Memory 4

9 3 0
                                    





Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Kung masaya ba dahil may aampon sa akin o malungkot dahil aalis na ako sa bahay na nakagisnan ko.

Walang imik akong umakyat sa hagdan. Binigyan ako ng pamilya Cañete ng hanggang bukas. Pagsapit ng hapon doon na ako tuluyang kukunin.

Pinag masdan ko ang kabuuan nang bahay mula sa itaas.

Ang kung saan namin ginawa ang magagandang memorya. Ang bahay na pinagtulong-tulungan naming linisin. Ang bahay na nakasaksi kung paano kami naging malapit sa isa't isa simula nang magising ako. Ang bahay kung saang.....minahal ko. Kakayanin ko kayang lisanin ito?


"Huy!"

Bahagya akong nagulat at lumingon sa may kanan ko. Hindi ko namalayang nakaakyat na pala si Shai.

"Why so tahimik, bhie?" Tanong niya at ipinatong rin ang dalawang braso sa railings ng hagdan.

Tipid akong napatawa. "Pinagmamasdan ko lang." Sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa harapan.

Isa pa 'tong babaitang ito, ma-mi-miss ko 'to, e. Siya ang laging nandiyan lalo na nung bago pa lang ako rito. Sabagay, hahaha, ako lang naman ang kaedara niya dito, mas matanda nga lang ako ng  dalawang taon.


"Sus, talaga ba? Hindi ka naman ganiyan, e. Masyado ka kayang busy sa buhay. Kahit pag masdan lang 'yung kwarto natin hindi mo pa magawa." Naka ngiwing sabi niya.


Napanguso ako. "Grabe ka naman. Hindi kaya. Napag masdan ko rin 'yung kwarto natin, noh." Sagot ko.


Nilingon niya ako kaya anpalingon ako sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.


"Sige nga, ano 'yung nakalagay sa tabi ng kama ko?" Tanong niya.


Pinag dikit ko ang labi ko at saglit na napaisip. May naka lagay ba do'n? Parang wala naman.


"Wala. Wala naman talaga 'di ba?" Tanong ko.


Inirapan niya ako at pumeywang na humarap sa akin. "'Yung vase na nakalagay sa sahig!" Sagot niya bago ngumuso at bumulong. "Pinagmamasdan daw." 


Natawa ako sa kaniya at inakbayan na lang siya. 


"Umagang kay sungit." Sabi ko. Nilingon niya ako ng mag kasalubong ang kilay. "Tara na nga!" Sabi ko na lang at naka akbay sa kaniyang bumaba sa hagdan.


"Ang weird mo ngayon, nag aalala ako." Mahinang sabi niya. 


Kunot noo akong bumaling sa kaniya. 


"Ako, weird? Hindi naman." Sagot ko.


"Weird ka. Kasi hindi ka naman nang aakbay 'tsaka nawala ng slight 'yung pagiging mahinhin mo." Sagot niya ng naka nguso.


Mahina akong napatawa bago tinanggal ang pag kakaakbay sa kaniya.


"Sorry. Trip ko lang." Sagot ko.


Hindi niya na ako sinagot at hinila na lang papunta kay sister Ligaya. Humingi lang kami saglit ng budget para sa bibilhin naming pag kain para sa tanghalian.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now