Memory 9

4 2 0
                                    


Naka tulala ang babae sa kawalan habang hinihintay ang kasintahan niyang pauwi galing sa iskwelahan.


'Paano na ang buhay ko? Ang buhay ni Dan?'


Napatigil ang pag iisip niya nang may humalik sa pisngi niya. 


Lumingon ito roon. Nakita niya ang maaliwalas na itsura na may katapangan na mukha ng kaniyang kasintahan. 


Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya.


"Hey, love. Na-miss mo ata ako? Hmm!" Natatawang ani ng lalaki at pinisil ang pisngi niya. Nangilid ang luha niya pero pilit siyang ngumiti.


"Dan... I love you, Dan." Aniya. Hindi na  niya napigilang yakapin ang kasintahan niya at humagulgol.


"Shhh. What's wrong, love? May problema ka ba? Okay ka lang?" Yumakap ito pabalik at hinimas ang likod ng babae. "Tahan na. Nandito lang ako." Pag tatahan nito.


Lalong lumakas ang iyak ng babae. 


Lumipas ang ilang minuto ay bahagyang tumahan ang babae. Humiwalay ito sa kaniyang kasintahan at tinitigan.


"May problema ba, Del?" Nag aalala tanong ng lalaki.


Bumuntong hininga ang babae nang muling mangilid ang mga luha niya.


"I...I'm pregnant, Dan." Garalgal ang boses na aniya.


Unti-unting nagising ang diwa ko lalo na't may naririnig ako yapak. 


Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil masyado pa rin itong mabigat.


Natigil sa pag lakad si Dave habang naka titig sa akin.


Ilang itong ngumiti. "Oh, sorry. D-did I wake you up?" He asked. 


Tahimik akong umiling at umupo. Akmang mag sasalita siya nang bumukas ng marahas ang pinto.


"Kuya Dave!" May asar na bungad ni Danny. Pumeywang ito habang naka tingin kay Dave.


"I told you na 'wag gisingin si ate Elli! Nag papahinga siya, oh! Hmp!" Iritado niyang sabi bago lumapit sa akin. 


"Okay lang, Danny." Sabi ko.


"May k-kunin lang kasi ako." Utal na sabi ni Dave.


Nakataas ang kilay na nilingon siya ni Danny.


"May kukunin ba talaga?" Masungit niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ni Dave.


"Oo! Nakalimutan ko lang!" Aniya. Napangisi si Danny. Inirapan naman siya ni Dave. "Bumaba na kayo. Kakain na sa baba." Huling sabi niya bago lumabas.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now