Memory 10

8 2 2
                                    

"...Michelle...anong-anong ginagawa mo rito?" Utal kong tanong sa kaniya. Gulat pa ring nakatingin sa akin si Michelle.

"Elli! Naku! Hindi ko alam na darating ka. Kumain ka na? Halika muna sa baba." Biglang singit ni Nana kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakangiti ito sa akin. Pumasagpasag sa akin si Bunso kaya napatingin doon si Nana at nanlaki ang mga mata.

"Susmaryosep! Bunso!" Gulat na sabi niya at kinuha sa akin si bunso.

Tumingin ito sa akin at tumango.

"Naku, Elli, salamat at kinuha mo si Bunso. Naka limutan kong nasa baba nga pala ito." Sabi niya sabay tingin sa bata.

Sa totoo lang, hindi anak ni Nana si bunso. Dahil apo lamang ito ni Nana. Hindi pa naman ganoon katanda si Nana, mga nasa 50+ siya.

"Dahil..... dahil ba dumating si Michelle?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin at muling nag iwas ng tingin.

Lumapit siya sa may lamesa at tinignan ang lagayan ng ulam doon.

"Wala na pa lang ulam dito sa itaas, Elli. Doon na lang tayo kumain sa baba." Sabi niya pa at akmang bababa.

"Susunod na lang po ako, Nana. Kakausapin ko lang po si Michelle." Bumuntog hininga si Nana sabay lingon sa akin.

"Elli, nag uusap pa sila ni Issa. Hayaan muna natin sila. Kung gusto mong maka usap si Michelle, mamaya na lang siguro kapag tapos na silang mag usap." Ani Nana.

Ako naman ang bumuntong hininga sabay tingin kina Michelle at Issa. Si Issa ay naka yuko, habang si Michelle ay nag iwas ng tingin sa akin.

"Sige po." Sagot ko. Nag lakad siya pababa ng hagdan at sumabay na lang ako.

Tahimik lang akong tumulong sa kaniyang mag sandok ng mga pag kain.

I supposed to surprise them pero bakit parang ako ang na-surpresa?

Tahimik akong umupo at hinintay siyang umupo rin. Wala si Tata ngayon, malamang ay nangisda.

Nag pray muna kami bago kumain. Habang kumakain kami ay hindi ko napigilang mag tanong.

"Nana, kilala niyo po ba si Michelle?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan.

"Ah! Oo. Kaibigan kasi siya ni Issa." Sagot niya.

Sumubo ako at tumingin sa kaniya. Nangunot ang noo ko.

"Paano po? I mean. Kailan sila nag kakilala? Paano sila naging mag kaibigan?" Tanong ko.

Marahan siya ngumiti sa akin sabay subo ng pag kain kay bunso.

"Nitong mga naka raang linggo lang siya pinakilala sa akin ni Issa." Sagot niya at nag iwas ng tingin.

"How about Issa? Kailan sila nag kakilala?" Tanong ko pa at muling sumubo.

Seryoso siyang tumingin sa akin. Maya-maya ay nangilid ang mga luha niya.

"Elli..." Tawag niya sa pangalan ko at nag simula nang tumulo ang mga luha. Umiling siya sabay takip sa mukha niya. "Hindi-hindi ko alam ang gagawin ko Elli. Naaawa ako. Gusto kong mag salita pero...hindi pwede." Umiiyak niyang saad.

"Nana..."

Tumayo ako at tumabi sa kaniya at hinimas ang likod ni Nana.

"Naging nanay rin ako, Elli. Hindi ko...hindi ko kayang mahiwalay sa anak ko. Kaya-kaya paano pa siya? Paano pa siyang mapag mahal sa anak. Hindi nga siya nahiwalay sa anak niya pero...nawalan naman siya ng ala-ala." humihikbing aniya.

History, History, History  (Memory series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora