Memory 17

5 2 0
                                    

"Nasaan si Michelle?" Agarang tanong ko nang makapasok.


Mahina siyang tumawa bago tinanggal ang kamay sa likod ko. 


"'Wag kang mag alala, Elli. Maayos ka namang tumupad sa usapan kaya maayos din naming papalayain si Michelle." Aniya bago may kinawayan.


"Kuya!" Tawag nito. Mabilis akong bumaling namang may lumabas na lalaki doon. 


"What?" Tamad na tanong nito. Ang... ang pamilyar ng boses niya. 


"Paki assist naman si Elli kay Master." Paki usap ni B. Biglang ibinaling ng lalaki ang tingin sa akin bago nabuhayan.


Lumapit ito at yumuko sabay kuha ng kamay ko. "Mrs--" 


"Beta," Tawag ng kung sino. Sabay kaming tatlo na lumingon sa may hagdan na kaharap namin. 


"Mr. Albeña," Usal ng lalaki habang hawak pa rin ang kamay ko. Bumaling sakamay namin ang tingin ng lalaki. Awtomatik na binitawan ng lalaki ang kamay ko.


"Kapag naabutan ka ni Mr. Monterial na hawak mo ang kamay ni Ms. Cruzan baka hindi mo na maabutan ang pag sikat ng araw." Seryosong anito.


Yumuko ang tinawag na kuya kanina ni B. "Paumanhin, Mr. Albeña."


Hindi na pinansin ni 'Mr. Albeña' ang lalaki dahil bumaling na siya kay B. 


"Pakawalan niyo na si Michelle. Nasisiraan na ba ng ulo si Mr. Monterial? Bakit niya hinahayaang ganunin si Michelle ng mga tauhan niya? Baka nakakalimutan niyang magiging asawa ng anak ko si Michelle." Seryosong sabi ni Mr. Albeña bago tuluyang bumaba ng hagdan at nilagpasan kami.


"Beta, ihatid mo na si Elli kay Master." Utos ni B nang makaalis si Mr. Albeña.


Walang salitang lumingon sa akin si Beta at tumango sabay lakad. Sumunod naman ako kahit hindi ko alam kung bakit ako kailangan.


"Bakit ako pinapatawag?" Mahinang tanong ko kay Beta habang nag lalakad kami sa second floor. 


Hindi siya umimik at tahimik lang na nag lakad. Bumuntonng hininga na lang ako. Sino ba kasi si Monterial?


Tumigil kami sa isang itim na silid. 


Natigil ang dalaga sa pag libot ng tingin sa paligid nang may pumulupot na braso sa kaniyang bewang. 


"Nagustuhan mo ba, Love?" Malambing na ani ng binata sabay lagay ng kaniyang baba sa balikat nito.


Malawak na ngumiti ang dalaga bago hinimas ang braso ng kaniyang kasintahan. 


"Hm-mm. Dito na ba tayo titira ng anak natin?" Tanong nito. Mas isiniksik ng binata ang kaniyang ulo sa leeg nito.


History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now