Memory 1

19 3 3
                                    

Memory 1

"Elli! Bumaba ka muna rito! Madaming costumer!" Rinig kong sigaw ni nana mula sa baba.

Bumaling ako sa bunso kong kapatid na nakaupo sa may kama habang nag du-dutdot sa cellphone niya.

"Bunso, tigilan mo muna iyang cellphone mo. Bantayan mo muna si baby. Tutulungan ko lang si nana sa baba." Simangot siyang tumingin sa akin.

"Ate naman, minsan na nga lang ako mag cellphone." Sagot niya pa. Nangunot ang noo ko.

"Minsan? E, sa tuwing nadalaw ako rito laging nasa pag mu-mukha mo 'yang cellphone mo." Padabog niyang pinatay ang cellphone tsaka inilagay sa may higaan at lumapit sa kapatid niya.

Napabuntong hininga ako. Eto ang ayaw ko sa kaniya. Ang pagiging tamad at maldita.

"Issa, 'yang ugali mo napapadalas na. Kukunin ko na talaga iyang cellphone mo. Hindi maganda ang ganiyang ugali." Pag sa-saway ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya naman iyon papansinin.

Tumayo na ako at lumabas nang kwarto. Habang bumababa ako nang hagdan ay natatanaw ko ang mga tao, kaya nag madali ako dahil kailangan nga talaga ako nila nana.

Napalingon sa akin si nana nang marinig niya ang huling apak ko pababa nang hagdan.

"Paki bigay nga ito sa table 7, Elli." Sabi ni nana sabay usog nung tray na may tapsilog.

Hindi na ako nag abalang sumagot at sinunod ko na ang utos niya. Buti na lang tinali ko ang buhok ko dahil grabe ang init ngayon.

Isang karinderya ang pinagkakakitaan nila nana. Paminsan minsan ay tumutulong ako, hindi kasi ako anytime nandito, kailangan din kasi ako minsan sa bahay ampunan.

Saktong babalik na sana ako ay may pumasok. Napatingin ako roon. Nakatitig sa akin ang isang lalaki pero agad ding iniwas at tumingin sa paligid. Pati ako ay napatingin.

Na'ko! Wala na palang upuan! Pero may nahagip akong tumayo at mukhang tapos na kaya dali-dali akong lumapit doon. Nag simula na akong ligpitin ang pinag kainan nila.

Nang matapos kong linisin ay kumaway ako sa lalaki at itinuro ang lamesa. Lumapit naman siya.

"Kunin ko lang po ang menu." Sabi ko at dali-daling pumunta sa counter at humingi nang menu.

Pabalik na ako sa pwesto niya para ibigay ang menu. Hindi ako komportable sa mga titig niya habang papalapit. Parang pinag aaralan niya ang mukha ko. Nakakailang.

"I-ito na po, sir." Inabot ko sa kaniya at kinuha niya naman iyon.

"Isang hotsilog at bottled water." Lalo akong hindi naging komportable dahil umorder siya nang hindi manlang tinitignan ang menu at malala ay habang sinasabi niya 'yon ay nakatitig siya sa akin.

"O-okay, sir." Sinulat ko ang order niya sa papel.

Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Huhu, alam kong gwapo ka pero nakakatakot ka pa rin.

Lumingon ako sa kaniya. "S-sir? May kailangan pa po kayo?" Utal kong tanong.

Ngumiti siya sa akin. "I'm glad you're alive." Sabi niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"S-sorry, sir? A-ano po—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang umiling at nag salita.

"Oh, sorry. Don't mind me." Biglang sabi niya at binitawan ako. Tumango lang ako bago bumalik na ulit sa counter.

"Anong sinabi nung lalaki sa'yo, Elli? Bakit parang takot ka? Binastos ka ba? Tinakot ka ba?" Gulat akong napalingon sa likod ko. Nakita ko si nana na kunot noong nakatingin sa akin.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now