Kabanata 32

2.1K 41 1
                                    


Kabanata 32

Validation

When I let go of my Mommy's hug, I saw her tears rolling down her cheeks. She chuckled as if there was something funny seeing her in pain... crying. I didn't know either.

"Pasensya ka na sa mga pagkukulang ko, 'Nak, ha?" muli siyang natawa pero sa pagkakataong 'yon, hindi na niya napigilan ang pagpiyok ng kaniyang boses.

It hurt seeing her like this. It hurt seeing her in pain. Kasi sa kabila ng mga pagkakamali niya kay Daddy, kahit papaano, naging mabuting ina rin siya sa 'ming magkakapatid. Hindi ko man alam kung paano ang naging trato nila sa isa't isa ni Daddy noon... alam kong naging mabuting asawa sa kaniya ang Tatay ko.

Marahan kong pinunasan ang luha niya. "Tapos na lahat ng 'yon, 'My... All you can do is forgive yourself for the past mistakes... And... kay Daddy." Ngumiti ako, ipinararating sa kaniya na ayos lang.

Ang magpatawad at makalimot. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Hindi mabilis. But I know that Mommy can do it with herself alone. Ang sabi niya dati sa akin, lumaki siya ng walang kaibigan kaya nasanay na rin siyang sarilihin ang lahat. She won't do what my Dad did... Iniisip niya ang maiiwang kompanya at ang pamilya niya.

"I'm done with all these shits. Nakatingin na si Papa," sabay baling niya kay Lolo. "Sige na, congrats ulit, 'Nak, ha?" piyok niyang sabi at ginulo ang aking buhok.

Pinagmasdan ko ang likod niyang papalayo, patungo na sa taas kung saan ang kuwarto niya.

Zairah went in front of me and held my hand, pulling me at the direction of Lolo. At dahil may katandaan na rin siya, kinakailangan na rin niya ng taga alalay. Si Mang Ruben na tinulungan siyang tumayo ay alagang-alaga sa kaniya. Hindi nalalayo ang edad niya pero sa tingin ko'y mas matanda si Lolo ng limang taon. Mang ruben was just 55-year-old, though.

"Apo... Dalhin mo ako roon sa sa eksibisyon mo, ha?" Hinimas niya ang kaniyang baba at inayos ang salamin niyang halos malaglag na dahil yumuko siya.

I quickly nodded. "Naman po! Ito o, kung gusto mo man makita iyong nasa loob no'n-"

Bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko, kaagad akong pinutol ni Mang Ruben. Umiling-iling siya habang winawasiwas ang kamay niya, pinipigilan ako.

"Madame! Nasa balita ka kaya kanina! Pinanonood ka namin habang ini-interview si Miss Hershey!"

Tumango-tango si Zairah. "Opo, Tita! Kita pa nga roon na kinakausap ka ni Tito Von, e..." pahina nang pahina niyang sabi.

Nagkatingnan silang tatlo. Ngumuso lang si Lolo at umiling.

"Hindi ko pa ulit nakakausap nang masinsinan ang batang iyon. Hindi puwedeng lumampas 'yon, Jaryllca."

I bit my lower lip, avoiding his gaze. Pinasadahan ko ng tingin si Von na kausap ang mga tropa niya pero nasa akin ang mga mata.

Muli na naman akong nag-iwas ng tingin. 'Yong totoo? Saan ako lulugar?!

"Sige po, Lolo... Sasabihan ko siya," sambit ko bago nagpaalam sa kanilang tatlo na may mga ngisi pa rin sa labi.

Mukhang hindi kami mababasag ngayong gabi. Lalo na't chill lang naman ang vibe pati ang musika. 

Inabutan ako ng beer ni Von nang makalapit ako sa pwesto nila. Their voices became murmurings because it was all mixed.

Sa pagkakataong kalmado lang ang pag-inom namin, ngayon ko lang nakita ang side nila na hindi gaano maligalig. Among Von's friends, si Alain ang pinakagusto ko dahil nagdadala siya ng kasiyahan sa tuwing nakakasama ko siya.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now