Kabanata 35

2.6K 56 14
                                    


Kabanata 35

Eclipse

Ilang araw na rin akong hindi nakatutulog kaiisip sa magiging reaksyon niya. Kaya naman sa sasakyan kung nasaan kami ni Von ngayon, doon ako nakatulog.

I didn't know where we were heading to. Basta ang sabi niya lang ay magbihis ako at may pupuntahan kami, hindi ko lang alam kung saan.

Hindi ko naman nakalimutan ang kopya ng ultrasound kanina bago kami umalis. Baka sakaling bigla akong magkaroon ng labas ng loob. O hindi kaya'y magtaka na lang siya kung bakit ako may hawak na ganoon!

But seriously, I couldn't find a way of how will I tell him.

Ganito pala talaga, ano? Iba pa rin ang pakiramdam kapag sa 'yo na nangyari... Kapag may dinadala ka nang sanggol. Isang malaking responsibilidad na gusto at masaya akong haharapin.

I rested my head on the window. Hindi mabilis ang pagda-drive ni Von ngayong pagabi na rin naman.

Nag-aagaw ang dilaw at kahel sa kalangitan habang abot-tanaw naman ang haring araw sa likod ng mga ulap.

Pinanood ko ang mga batang naghahabulan sa ilalim ng langit. Smiles were never erased on their faces. Life is good if you will focus on the light outside the dark, huh?

Of course, life isn't always about going outside in the morning and let the light of the sun hits you; going outside at night to walk under the darkness. Madalas kasi ay kinukulong natin ang mga sarili natin sa dilim kaya hindi natin napagtatanto na may liwanag pa rin pala.

Napatikhim ako nang makaramdam nang makati sa lalamunan. I immediately pursed my lips when I felt that he looked in my direction for a few seconds.

"Gising ka na pala... Are you starving? Nag-drive-thru ako kanina," aniya, hindi inaalis ang mga mata sa daan.

I glanced at him. "Mamaya na lang para sabay tayo... Saan ba kasi ang punta natin?" I asked.

Hindi pa man siya nakapagsasalita ay natanaw ko na ang dagat sa ibaba. Nadaraanan namin ngayon ang mga puting buhangin. At mula sa loob, tinanaw ko ang mga tsokolateng bundok sa itaas.

I remembered the news yesterday... An eclipse will happen tonight.

Hindi ako nakarinig ng salita mula sa kaniya matapos niyang iparada ang sasakyan, sabay baba. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya.

I was about to go down when I realized that he left me. But I saw him immediately turning his way on the other door. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

I smirked when I found out that he still do the things he was doing before. Walang nagbago... Hindi siya nagbago.

You deserve the love that will make you feel safe when the world is cruel to you. The love that will make you feel your worth... A love you don't have to question.

And if they can't love you back, even if it's not that easy to do... slowly love yourself. After all, self-love is the best medicine.

He held my hand before making sure that his car was locked. Tiningnan ko ang magkasalikop naming mga daliri at dali-daling kinuhaan ng litrato para sa memorya.

We were slowly walking on the sand. Mukhang paakyat kami sa mga bundok. Hindi ko alam, sinusundan ko lang naman siya.

Dala-dala niya rin ang nakatuping sapin na nakapatong sa ibabaw ng basket. Mukhang pagkain ang laman no'n... Hindi ko rin alam! He didn't inform me about his plans today!

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil naroon ang ang kopya ng ultrasound. At hanggang sa maakyat namin ang mga bundok, ingat na ingat ako roon.

We were both catching our breath as we reached the climax of the mountains. Nonetheless, we were still smiling at each other. 30 minutes o lagpas din 'yon, 'no!

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now