Kabanata 10

2.5K 120 72
                                    


Kabanata 10

Sudden

I was sitting on the white and fine sand of the beach while staring at the turquoise sea. Ang bawat paghampas ng alon ay maingay ngunit masarap sa pandinig. Bigla namang bumigat ang talukap ng aking mga mata dahil para akong hinehele nito.

Ngayon, pinagigitnaan ako ng mga hita ni Von habang ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa puting buhangin.

It was already midnight. We had a bonfire and beers a while ago. We just finished drinking and we let them go first. I didn't drink that much because what for? Narito ako para magsaya at ayaw kong magpakalasing.

I turned my head to look at Von who was already tipsy. His cheeks were red already. Mukhang tinamaan na nga siya.

I could feel Von's broad chest behind me. Kaagad namang nawala ang aking antok nang magsalita siya.

"Do you still remember the first time we talked again? We were both looking at the moon at that time." His lips rose as if reminiscing those memories.

"I won't forget that, Von. I'll bring our memories until the very end," I whispered softly.

I felt his body stiffened. I put my hand on his leg while the other one was busy removing the strands of my hair out of my sight.

"You know what?" Ngumiti ako na para bang makikita niya iyon. "If we might not end up together in the end, always remember that you will always be a part of me and you will always be my greatest love."

Wala lang. Hindi ko naman mahanap ang tamang kasagutan kung bakit kusang lumabas 'yon mula sa 'king bibig.

"Why are you saying that?" he asked, confused. Ang kaniyang paghinga ay bahagyang bumigat.

Nagkibit-balikat ako. "You know... I don't want to look at the negative side but if ever that time comes, at least you know that my heart will only beat for you."

Tanging Siya lang naman ang nakaaalam sa kung ano'ng mangyayari.

I stared at the mesmerizing moon. Kalahati lang ang buwan ngunit maganda pa rin iyon sa paningin.

"B-Baby... Tell me, do you have any plans of leaving me?" Medyo natawa siya na naging dahilan ng pagtataka ko. "1 day trial card?"

"What? Of course not!" I immediately shook my head and chuckled because of the last line he said.

Muli akong lumingon sa kaniya kaya naman isang pagkakamali lang ay maglalapat na ang aming mga labi. Baka siya ang may balak mang-iwan! Alam ko namang hindi pa niya kayang sabihin 'yon.

Ang hirap muling magtiwala. Pero para sa kaniya, ginawa ko. Kasi mahal ko siya... At handa akong palalimin nang palalimin iyon sa bawat pagkakataon na naglalahad siya ng dahilan para mahalin ko pa siya lalo.

"Nanaginip ka ba nang masama?" He sighed. Pinaglaruan niya ang aking mga daliri. Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"Ano ka ba? I'll assure you that no matter what happens, remember that my love for you will always prevail." Sa kahit ano mang magiging desisyon ko.

Nanaig ang katahimikan sa paligid. It was actually peaceful to be in silence. Walang pag-aaway na nagaganap o hindi kaya'y sigawan. Tanging kapayapaan lang talaga.

"Ang ganda ng buwan kahit kalahati lang ito ngayon, ano?"

Nilingon ko ang buwan at marahang tumango. I suddenly remembered the sun that reminded me of him. Katulad ng araw, siya ang pinakamahalagang matatagpuan sa mundo.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now