Kabanata 16

2K 54 43
                                    


Kabanata 16

Mistress

Kahit papaano ay nagkaroon ng kulay ang aking mukha nang makatanggap ako ng text mula kay Arianne. At least, there were things that would keep my eyes open. Kaso nga lang, ilang linggo na rin palang tengga ang kaniyang text sa inbox ko. Ngayon ko lang natingnan.

From: Arianne

We got this.

Muli kong pinatay ang phone ko para tumingala sa kisame, walang ganang mag-reply. Nagsimula na naman akong makaramdam ng kirot sa aking puso nang maalala ang nangyari.

January 15 na ngayon at dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang mangyari iyon. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon, hindi ako nakikipagkita kay Von. I didn't even allow him going here. I wasn't communicating with him.

Ayaw kong makita niya na nagkakaganito ako. Natatakot ako na baka ayawan niya ako... Mukha na akong napariwara sa buhay. At hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili ko... Ang hirap bumalik sa dati.

Kung maaari nga lang talagang bumalik sa umpisa ay ginawa ko na para nabuhos ko lahat ng pagmamahal at atensiyon sa kanila.

Pero hindi. Wala na sila at hindi na maibabalik pa ang nakaraan kaya wala akong magawa kundi ang balikan na lang ang mga alaala at litrato na kasama sila.

Lalo namang nadagdagan ang inis ko nang maalala na hindi kami pinayagan ng mga Rosero na bisitahin ang anak nila... Kahit pa sa huling gabi. Bakit hindi puwede? Naging parte rin naman kami ng buhay ni Vannah!

Ayon nga lang, hindi namin puwedeng ipilit ang aming gusto dahil wala kaming laban sa kanila at wala rin naman kaming balak na lumaban.

How could we fight the people that are powerful yet don't give justice to the hands of those who need it?

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit bawal. I know that it would take almost 10 hours to Romblon, pero wala naman kaming paki kahit gaano pa 'yan kalayo.

Ang ibig sabihin ba nila, huling kita na pala namin sa kanya noon? Ang unfair talaga. Huling beses na sana namin siya makikita kung pinayagan kami sa burol, ipinagdamot pa nila.

Nakaramdam naman kaagad ako ng gutom nang nagbaling ako ng tingin sa bed table sa tabi ko. Someone made breakfast for me. Wala akong gana at sa tingin ko'y papasok na lang muna ako ngayong araw na 'to.

Alam kong hindi sigurado kung nasa Dean's Lister at kung maayos pa ba ang grado ko dahil puro na ako absent. Wala rin akong mine-message ni isa sa professor ko para ibalita kung ano'ng nangyayari sa akin.

What should I excuse, then? Would they believe? This happened lots of times. I was already running out of excuses of truth, which I hide from them.

I looked at my reflection in the mirror when I went into the bathroom. My eyes were swollen, making me remember how much I grieved since this year started, and the dark circles were defined below it. My long wavy hair looked miserable. My lips were so dry, seemed like it was dehydrated.

I immediately turned my phone off when I saw an incoming call from Von. I brought it with me because I wanted to play music while I take a bath.

Nag-apply lang ako ng BB Cream sa ilalim ng mga mata ko at sa mga tigyawat na lumabas dahil sa pagpupuyat at stress. I dried my hair before putting lip and cheek tint.

I had no choice but to eat the food before going out of my room. But the reason why I didn't feel full after eating is that I haven't eaten for days.

Kinuha ko na lang ang ko bag at isinukbit sa aking balikat. Bitbit ko rin ang pinagkainan ko pababa sa hagdan.

Walang bukas na ilaw nang makababa ako. Hindi naman nasisinagan ng araw ang bahay namin dahil ang disenyo nito'y walang bintana kung hindi sa mga kuwarto lamang.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now