Kabanata 6

2.6K 175 105
                                    


Kabanata 6

Ledres

I immediately texted Von. Dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil ang sabi niya'y busy siya. But he still made time just to update me.

We didn't need daily conversations; updates are already enough.

To: Von

Henlooo!! How are you? Are you busy?

Naalala ko na naman ang kahihiyan ko noong mga nakaraang araw. Hindi ko naman nakalimutan ang lahat matapos ang gabing 'yon.

Momol without label? Not that bad. Ang mahalaga ay hindi na sumobra roon! Iyon na lang talaga ang iniisip ko kaysa naman magmukmok ako sa kuwarto dahil sa kahihiyan ko.

Ilang saglit lang ay nag-reply na si Von. I automatically got blue when I read his message.

From: Von

I am busy.

I heaved a sigh.

Hindi ako galit, naiintindihan ko naman kung bakit siya busy. Marami pa namang ibang araw. And... how immature of me if I would get mad at him for being busy because of school works? Mabuti sana kung walang kabuluhang bagay ang inaatupag ng lalaking 'to. But it was for his future.

I checked my phone when it beeped.

From: Von

But I'll make time for you, of course. Nakakapagod na rin itong ginagawa ko. Kain tayo sa labas? Gusto lang kitang makita at makasama kahit saglit lang.

Kumpletong-kumpleto siya kung mag-type. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang kilig.

It made me turn on!

To: Von

Huh? May susunod na araw pa naman, eh. Makapaghihintay naman ako :))

From: Von

I'm on my way already.

Kaagad naman akong kinabahan.

Mabilisan kong tinipa ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa bahay ako nina Rae, maaga kasi ang uwian namin. Mabuti nga lang ay ganoon dahil kung hindi, baka dinemonyo na ako ni Rae na mag-ditch ng klase.

Siguro kung walang traffic, mga 20-30 minutes lang ay narito na iyon si Von.

"Would Von get mad knowing na hindi ko kaagad sinabi sa kaniya na narito ako?" tanong ko kay Rae.

Hindi ko naman maiwasang mag-isip ng kung ano-ano dahil si Von, nagsasabi ng mga ginagawa niya at kung saan siya pupunta pero ako, hindi ko naman nasabi sa kaniya na maaga ang uwian ko.

At saka sabi ko nga, busy 'yon. Ayaw ko namang ipagpaliban niya ang plates niya para lang sunduin ako sa school.

May sarili rin naman akong pera, eh!

Binigyan ako ni Rae ng nagtatakang tingin, natigil sa pagpipindot sa kaniyang laptop.

"Why would he get mad? Siya nga ang iniisip mo kahit na narito ka. Ang gawin mo, salubungin mo ang balita sa kaniya na Dean's Lister ka pa rin ngayong nasa 2nd-year ka na!"

Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Rae.

Tama naman. Maiintindihan naman iyon ni Von... Baka nga ay hindi iyon big deal sa kaniya.

"Kayo na ba ni Von?" tanong niya bago isinira ang laptop at inilagay sa gilid ng kaniyang kama, nakapukol ang mga mata sa akin.

"Nanliligaw pa lang. Advanced ka mag-isip, Rae." Tumawa ako.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now