Kabanata 31

2.1K 47 6
                                    


Kabanata 31

Await

The dazzling lights behind the frames were blinding. Pero sa kabila ng mga iyon, pinakatitigan ko pa rin ito isa-isa. Finally! All those sleepless and crying nights as if my heart was about to explode from the raging thoughts I've kept for so long had been paid off when I eyed at my final crafts.

I grew up honing my crafts, sharpening my talent, imbuing hearts and souls into each of my shot to prove that I was better as the days passed by. Ipinaglaban ko ang pangarap ko sa pamilya ko dahil ito ang gusto ko. This is what my heart's screaming for-to take this path.

Everyone can be a photographer but not all would pursue doing it for a lifetime.

As the different aspects of life occurred in me, I learned that life is continuous growth. That we make mistakes... But what is important is that we're willing to change; accepting what we did was wrong.

And that's how you'll grow.

Tahimik na nakamasid ang mga taong tinitingnan ang mga kuha ko. I badly wanted to cry that I finally have my own photography exhibit in Sampaloc, Manila. It was named 'Light of Firing Shots'. Sinunod ko iyon sa liwanag sa bawat pindot sa camera shutter.

Sunod-sunod ang pagpasok nina Aya, Arianne, Dani, Hershey, at ni Rae na mga nakasuot ng pormal, as if it was required for the first opening of my exhibit!

Hindi sila lumapit sa akin dahil alam nilang nagmamasid ako sa mga tumitingin-tingin sa paligid. Ganoon din naman sila.

A smile slowly crept on my lips when I saw them getting entertained by looking at the frames.

Anthony was explaining the meaning behind those photographs. It was his duty to do so. At habang nakamasid ako sa mga tao kanina, dinukot ko ang phone sa bulsa ko at kaagad na dumeretso sa IG.

Kaagad namang inulan ng mga papuri at 'congrats' ang pinost ko kanina na picture ko sa labas ng exhibit. Abot tainga ang ngiti ko roon. At hanggang sa tinititigan ko iyon, nahahawa ako. I was genuinely happy.

Liked by V.Cuyler and 58, 869 others

jaryllcasai: Thank you for those who'll come today! I am deeply thankful to have y'all, guys!

Imbis na magpasalamat sa mga follower ko, natuon ang atensiyon ko sa nangunguna sa nag-like. It was Von... I missed him so much. Alam kong pagod siya dahil pitong buwan din ang ginugol nila rito. Baka nagpapahinga pa siya kaya wala pa siya rito. Though he already congratulated me.

Bago pa man ako makapag-isip-isip ng kung ano-ano ay nagbaling na ako ng tingin kay Anthony'ng papalapit sa akin. He was holding a folder that consists of information about the exhibit.

He was too professional today. Ganado talaga siya. At nang nasa harap ko na siya, tinaas niya ang kanang kamay niya at inilagay sa tainga ko para bumulong.

"Someone wants to buy those five frames," hindi makapaniwalang bulong niya.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko. Sino naman ang magkakaroon ng interes doon? Napakamahal ng mga iyon! At isa pa, baka mawalan lang ng gana ang kung sino mang 'yon kapag sinabi ko ang presyo.

At dahil naghihintay si Anthony sa sasabihin ko, pinangunahan niya na ako. "He offered... 100k in every frame he'll take."

Kunot-noong nalaglag ang panga ko sa gulat. Ano?! Hindi naman ganoon kalaki ang balak kong pagbenta kaya naman nagulat ako! Sino'ng hindi magtataka roon? Alam ko namang maganda ang mga iyon...

"Naghihintay siya sa labas, Ma'am. It's a yes or no decision," pangungumbinsi niya.

Napapikit-pikit pa ako bago nakaahon sa sandaling pagkagulat. Papayag ba ako? Marami pa naman akong puwedeng ipalit pero... walang katumbas ang mga iyon. Tapos, baka ibenta lang sa mas malaking halaga, huwag na lang.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now