Kabanata 24

2.1K 44 408
                                    


Kabanata 24

Realizations

"Mr. Dela Fuente," tawag ko sa kanilang atensiyon. Ngayon na rin ang huling theme sa modeling portfolio ni Mr. Chester Dela Fuente.

Kasabay ng paglingon nila sa akin ay ang pagsimula ko ng montage. Sakto naman ito sa kanilang theme na summer attire at mayroong greenscreen, their editor was so good sa pag-edit na hindi mo na mapapansin na ito'y edit.

"Could you please stay beside me for a while?" I asked Chance. His smile immediately grew bigger because of what I said.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon sa isipan ko at muling nagpatuloy. Nil and Vin were adjusting the lighting as I clicked the camera for the photo.

Tapos na kami! After how many weeks of pouring my soul and time into this project with Mr. Chester, it's finally done! I am so excited about the outcome. Hindi man ako ang pinili nila na mag-edit kahit pa na marunong pa ako, inintindi ko na lang iyon dahil mayroon silang sariling editor sa agency nila.

Dumiretso sa likod ng set up si Chester at nang bumalik siya'y may suot na itong pang-itaas at hindi na summer attire.

Naglahad ito ng kamay sa aking harap na nakapagpangiti sa akin. "It was a great project for the both of us, Miss Jaryllca."

"You're a good model though... mahirap nga lang pangitiin!" I joked. Umangat lang ang gilid ng labi nito.

Nagkamot ito ng ulo bago nagbaling kay Chance na nakatanaw sa amin. Sinenyasan naman ako ni Chester na puntahan ko raw muna. Tumango na lang ako.

Namayapa ang katahimikan sa pagitan namin nang maiwan kaming dalawa sa loob.

I held my breath when he was taking his shirt off. Natampal ko ang aking noo dahil sa kaniyang ginawa!

"Mr. Chance, kayang-kaya kong sirain ang career mo dahil sa pambabastos-"

"Tangina?" tumawa siya. "Magpapalit lang naman ako ng damit?"

Sa sandaling iyon ay gusto kong magpalamon sa lupa! What thing did cross my mind to think that he was seducing me? God!

"Pasalamat ka..."

Kunot-noo akong nagbaling ng tingin sa kaniya.

"Pasalamat-ano?"

"Wala."

Ang bilis maubos ng pasensiya ko rito sa batang ito. Pahabaan na lang talaga. Always choose to be kind even if the world is against you. Mapapasabi ka na lang ng ganito kapag kaharap ko ang lalaki.

"Saan ka pupunta?!"

Nakasunod na pala ito sa akin at dali-daling isinuot ang grey t-shirt gamit ag isang kamay at ang kabila nama'y dinudukot ang susi sa kaniyang bulsa.

I badly wanted to say "kung saan wala ka" but that seems unprofessional!

Parang may pumitik naman sa aking isipan nang maalala na pumayag ako sa kaniya kahapon! Na kakain kami pagkatapos ng shoot!

"Kakain tayo, 'di ba?" pagpapalusot ko. Mabilis naman siyang tumango.

Tapos na ang proyekto at sa tingin ko'y hindi na muna nila ako kukunin bilang kanilang photographer. This would be the last that I'll meet him so I agreed on eating with him. Sa akin ay walang kaso at mas lalo naman sa kaniya na walang pakialam kung masira ang kaniyang pangalan. Sa mata ng mga madla, hindi ko alam.

Napadpad kami sa mga tusok-tusok dito rin sa may Mother Ignacia. He said that it would be my choice so I brought him here. Mukhang hindi ito sanay sa mga ganitong bagay dahil habang pinanonood ko ang kaniyang pagtingin sa mga nilulutong fishball ay nagtataka pa ito sa tawag doon.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now