Kabanata 25

2.2K 47 384
                                    

Kabanata 25

Reunion

"Ano pala 'yong sasabihin mo kanina?" Ibinaba ko ang kubyertos upang tingnan si Yvonne na tinakpan ang bibig dahil siya'y ngumunguya.

"What?"

"Iyong kanina. You said you'll say something about Von," pag-uulit ko.

She shook her head in disbelief and smirked. "Curious, ah?" tumawa siya.

Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin nang titigan niya ako na para bang nililibot ang bawat emosyon na maaari niyang basahin sa aking mga mata.

"Ipinakukumusta ka pala niya. How were you in the past years?"

I hardly swallowed the lump on my throat and casually said, "Everything was fine. Maganda ang daloy ng buhay ko," I lied.

Kung alam lang nila kung gaano ako nahirapang bumangon, na mawalan ng dalawang sangay ng mga mahal ko sa buhay. Ni hindi ko na halos makita ang liwanag ng buhay ko, kung para saan pa ito—kung para saan ba talaga ako.

And I was here, sitting in front of her, smiling, and was planning my future photography exhibit.

Kailangan pala talagang masaktan at mahirapan bago makamit ang tagumpay, ano? That's the reality I should understand. No pain, no gain.

She just nodded and continued eating. Pati ako ay nagpatuloy na ngunit binabagabag pa rin ng kaniyang tanong ang aking isipan.

Ipinatatanong kaya talaga niya 'yon?

Hindi naman maiwasang magwala ng aking puso. Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero wala namang mawawala, 'di ba?

"You'll see him next week."

While I was wearing my strappy sandals for the reunion party of our batch later, my mind was still at Yvonne's last words before we finally decided to leave the restaurant.

An elegant white homecoming dress that was knee-length with champagne lace is what I was wearing. Hinayaan kong lumaylay ang aking wavy na buhok-pero plinantsa ko iyon kanina para maiba naman.

I remembered before, Mommy asked if I want to rebond my hair, but I instantly refused. Baka pagsisihan ko lang iyon kahit pa na bagay naman sa akin.

Ate Jamilla did my make up. Balak ko pa sanang tumanggi dahil susunduin niya ang kaniyang anak pero siya na rin ang nagpumilit. Ewan ko ba roon.

My phone beeped and when I checked it, it was Rae.

Rae:

May aso ba kayo??? Dito na ako sa tapat n'yo.

Mahina akong natawa nang mabasa ang kaniyang sinabi. Takot pa naman 'to sa aso.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. I looked elegant. Ang ganda ko.

Kinuha ko ang aking purse na nakapatong sa may kama. I didn't waste my time and quickly went downstairs. Nakasalubong ko pa si Mang Ruben na nagprisinta na ihahatid na raw niya ako. Pero ang sabi ko ay may susundo sa akin.

"Mukhang may date si Madame, hehe," si Mang Ruben na kinakausap si Chimmie na nasa may paanan niya.

"Mang Ruben!" tumawa ako. "Reunion party lang po, ikaw talaga!" Iiling-iling akong nakarating sa labas.

Rae took his glasses off as he looked at me. He leaned at his car. Ipinagkrus niya ang kaniyang braso habang nakatanaw sa akin na naglalakad patungo sa kaniya.

"Ganda naman," aniya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Saka lang ako nakasagot nang magsimula na siyang paandarin ang sasakyan.

"Talaga ba? May kasalanan ka kasi kaya ganiyan ka," sabi ko.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now