Kabanata 9

2.3K 149 82
                                    


Kabanata 9

Official

My thoughts were disrupted when the door opened. Pinilit kong isinantabi ang iniisip ko dahil sa sinabi sa akin ni Yvonne noong nakaraan.

Yvonne was drying her hair using a towel. Nanlaki ang mga nito at napalingon sa kaniyang likod upang tingnan kung naroon ba ang kaniyang kuya.

"Ang aga mo, ah?" A small smile crept on her lips. She invited me to come inside their house. Naupo ako sa may couch nila sa may sala at naghintay sa kaniyang sasabihin.

She heaved a deep sigh as she stopped from drying her hair. "Wala kang babanggitin sa kaniya, ha?" mahina ngunit klaro ang kaniyang pagkakasabi.

I slowly nodded. Marahan kong kinagat ang pang-ibaba kong labi at tinitigan siya.

"Kumain na ba kayo?"

She shook her head. I insisted to cook breakfast for them but she just said that she'll meet someone this morning.

Itinuro niya sa akin ang mga gamit at kung saan nakalagay ang mga pagkain na puwede kong gamitin sa pagluluto. I teased her before she bid her goodbye because she was getting late already. Mukhang may ka-date si Yvonne.

It was 9 AM already and Von hasn't wake up yet. I guess he slept too late because of making his plates or he did play with his friends.

I only know how to cook shawarma rice. I searched and learned about its recipes because I knew that it was one of Von's favorite foods. Though It was not that hard. But I was sure that he would like it.

Mukhang kamimili lang nila ng mga stock dahil punuan pa ang laman ng kanilang ref. Kumuha ako ng mga kailangang ingredient at tiningnan kung kumpleto ba. Mariin naman akong napapikit dahil dapat ay naka-marinate ang tapa overnight.

Ang nangyari, minarinate ko na lang ito sa loob ng 30 minutes at gumawa muna ng white garlic sauce.

It was already 9:30 AM and I didn't know if this would still be a breakfast. Baka maging pananghalian na ito sa tagal. Nagsaing na rin ako para hindi magahol sa oras. I prepared a grill then grilled the beef on high heat for 4 minutes on each side. After that, I let the beef rest for 5 minutes before slicing it thinly.

Iniayos ko na ang hapag at naglagay ng kanin sa dalawang plato. I put the salad ingredients on the side and topped it with sliced grilled tapa. And lastly, I drizzled some garlic sauce on top.

I smiled as the aroma of the beef embraced my nose. It was 10 AM sharp when I checked the time. I went upstairs.

I breathed heavily before knocking at the door. Isinantabi ko muna ang sinabi ni Yvonne noong nakaraan. I knew he would have the urge to say those in time. He was not still ready, and I would not force him.

Kaya rin ako narito kina Von dahil Sabado ngayon at pupunta kaming sementeryo.

"Yvonne, may ginagawa ako! Pumasok ka na lang!" he shouted.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Hindi niya in-expect na narito ako ngayon dahil ang alam niya'y siya ang magsusundo sa akin mamayang hapon.

The door creaked as I opened it slowly. Tumambad sa akin ang walang pang-itaas na Von, nakatalikod mula sa aking puwesto. Mukhang gumagawa siya ng plates.

Maingat kong inilagay ang baba ko sa ibabaw ng kaniyang ulo pagkalapit. I put my arms around his neck.

"Baby?"

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now