Rose and Guns 6

5K 219 27
                                    

Rose and Guns 6


"Welcome to Albania," I said to myself while looking at the Skanderbeg monument.

I'm really here. Ngayon lang nag-sink in sa isip ko na nandito na talaga ako sa bansang matagal ko ng pangarap na puntahan.

Nanginginig ang kamay na itinaas ko ang hawak kong camera. Maliit na ngiti ang nakapaskil sa aking mukha habang kinukuhanan ko ng litrato ang monumento.

Nang maibaba ko ito ay agad akong sumulyap sa paligid. I'm here in Skanderbeg Square, standing in front of the monument of George Castriot, an Albanian national hero. Pinagpatong-patong na bato ang pinaglalagyan ng monumento ng lalaking nakasakay sa kaniyang kabayo. Ang arkitekturang pumapalibot sa Skanderbeg Square ay neo-renaissance. May ilang mga flower bed sa gilid. Maganda ang kulay luntian na mga damo na nakapaligid sa monument, at ang tinatapakan ko naman ay purong samentado na.

This is my first destination for today. Malapit lang naman ang hotel ko dito kaya malakas ang loob ko na hindi ako maliligaw.

Maganda ang tourist attraction na ito. Maraming mga magagandang monument ang nakatayo sa paligid. Halatang matagal na ito ngunit iniingatan at inaalagaan pa rin upang mapanatili ang pagiging maganda.

I've read somewhere that Skanderbeg is the city's main venue for popular celebrations, such as 100 years of Albanian Independence in 2012.

Ang sunod kong pupuntahan ay ang National History Museum na sobrang lapit lang. Sobrang ganda nito at lubos akong namangha sa ganda ng structure nito. Above the entrance of the museum is a large mural mosaic titled The Albanians that depicts purported ancient to modern figures from Albania's history.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi habang pumapasok ako sa loob. The museum includes the following pavilions—the Pavilion of Antiquity, Middle Ages, Renaissance, Independence, Iconography, Mother Teresa, National Liberation Antifascist War, and Communist Terror.

Ang una kong pinuntahan ay ang Pavilion of Antiquity.

I saw all the most important and richest objects in the National Historical Museum. They have five hundred eight-five displayed objects. Ang lahat ay sobrang luma at mahal na ang halaga.

"Mayaman nga talaga ang Albania sa larangan ng pagpapahalaga sa kultura nila," pagkakausap ko sa aking sarili habang tumitingin sa mga lumang bagay.

Wala akong inaksayang oras at inikot ko ang lahat ng mga pavillion sa museum.

Isa lang ang masasabi ko habang tumitingin sa mga naka-display, sobrang nakakahanga dahil na preserve nila ang mahahalaga at magagandang bagay mula noong unang panahon.

Hindi ko na napansin na inabot na pala ako ng tatlong oras sa loob ng museum. Nang mapagpasyahan kong lumabas na ay kinuha ko agad ang travel brochure sa bag ko.

Binasa ko ang nakasulat sa travel brochure na ibinigay sa akin ng hotel. Mayroon din itong mapa ng buong Tirana, Albania. May nakalagay na red x ang mga tourist spot kaya hindi ako nahihirapan na hanapin pa ito sa mapa. Para hindi rin ako maligaw ay gumagamit ako ng google map. Magkakalapit din naman ang mga tourist attractions dito kaya hindi na rin hassle.

"Ang third destination ko ay...." Hinanap ko sa mapa ang Clock Tower of Tirana o mas kilala bilang Kulla e Sahatit.

It's just a six minutes walking distance.

Nang makita ko ito ay agad kong itiniklop ang hawak kong brochure, at pagkatapos ay inilagay ko ito sa aking sling bag.

Tumigil ako sa paglalakad upang hanapin sa sling bag ko ang reserba kong memory card para sa aking DSLR camera. Noong makita ko ito ay agad ko itong kinuha. Isasara ko na sana ang aking bag nang bigla akong natigilan dahil may bumungo sa akin na isang maliit na batang babae.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon