Rose and Guns 21

2.6K 131 2
                                    

Rose and Guns 21

Dapit-hapon na. Sa aking pagdating sa dalampasigan kung saaan gaganapin ang kasal ay nakita kong handa na ang lahat. Ang mga sariwang talulot ng rosas ay nagkalat sa buhangin. Ang kulay pulang carpet ay maayos na rin na nakalatag. Inalalayan ako ng isang babae papunta sa pinakadulo ng red carpet at pinatapak niya ako roon. Pumikit ako at malalim na napabuntonghininga.

Hindi ko ito gusto ngunit wala akong magagawa kundi ang magpatianod sa agos ng aking buhay.

Kinagat ko ang aking labi at taimtim na nagdasal. Sana'y may himala, at mailigtas ako sa pagkakatali ko sa kaniya.

Noong nagmulat ako ng aking mga mata ay nagsimula na ako sa aking paglalakad. Nakatalikod ang mga tao sa'kin. Ang lahat ng mga dumalo sa aming kasal ay mga lalaki lang at sobrang dami nila. Double ang dami nito sa dating nagbabantay sa aming dalawa ni Romarjo. Mahina akong napabuntonghininga. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng red tulips.

Hindi sila humarap sa'kin pati na rin ang lalaking aking pakakasalan. Nakaharap lang siya sa napagkagandang sunset. Pinagmasdan ko ang bulto nito at napansin ko ang pamilyar niyang pangangatawan. Mahina akong napasinghap ngunit napalunok din ako at marahan akong umiling upang maalis sa aking isipan ang pagkakaroon ng pag-asa.

Noong nakarating ako sa unahan ay lumapit na rin ang isang pari. Hindi maalis ang tingin ko sa likod ng lalaking pakakasalan ko. Marahan na lumingon siya upang harapin ako. Noong nakita ko ang kaniyang mukha ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Napasinghap ako at napahawak ako sa aking bibig.

Imbis na si Romarjo ang makakasama ko ngayon, si Alejandro ang naghihintay sa'kin sa altar.

Ang kaniyang seryosong mukha ay unting-unting napalitan ng pagngiti. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang kaba at pag-aalala na aking naramdaman ay biglang nawala. Napahigpit ang hawak ko sa bungkos ng tulips.

"Anong ginawa mo, Alejandro! Nasaan si Romarjo?" bungad na tanong ko sa kaniya.

Ang kaniyang pagkakangiti sa'kin ay unti-unting nawala. Walang emosyon niya akong tiningnan. Pansin ko ang paghawak niya sa necktie niya at inis niya itong niluwagan. "He's marrying another woman," malalim ang boses na sagot niya sa'kin.

Napasinghap ako. Hindi naniniwala na pinagmasdan ko siya. Paano? Ako ang pinangakuan niyang pakakasalan. Paanong biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paglipas lang ng isang gabi?

"Nagsisingungaling ka. What did you do?" tanong ko sa kaniya. Did he kill him? Napasinghap ako sa naisip.

Ngayon ay alam ko nang nagkagulo kagabi. Ang dugo sa sahig na nakita ko kanina ang magiging patunay sa hula ko.

Kahit naman sinaktan ako ng gago na iyon ay hindi ako matutuwa na patayin siya!

Mahinang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan. Mariin na itinikom niya ang labi niya. "As usual, you won't believe me. Do you want to see it with yourself?" malamig ang boses na tanong niya sa'kin habang pinagmamasdan ako. Pansin ko ang emosyon na dumaan sa kaniyang mukha-sakit. Nasaktan siya sa'king sinabi?

"You really don't believe or trust me at all," dagdag na sabi niya sa mariin na boses.

Napabuntonghininga ako. Hindi na ako nagsalita pa. Nagulat na lang ako noong bigla niyang pinatigil ang kasal. May ipinagbilin siya sa mga tauhan niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ako nagsasalita. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan niya akong hinigit. May biglang tumigil na kotse sa aming harapan. Nagpatinaod lang ako sa pagpasok sa loob ng kotse. Sumunod siya sa'kin sa pagpasok.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon