Rose and Guns 22

2.8K 143 3
                                    

Rose and Guns 22

Hindi na kami nagtagal sa Albania. Hindi man niya ipaalam sa'kin, alam kong nanganganib na kaming magtagal doon dahil balwarte ito ni Romarjo. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya, wala na namang dahilan para gawin ko ito. Walang pag-aalinlangan na sumama ako kay Alejandro. Dinala niya agad ako sa Spain. Naging madali ang aming transportation dahil sa helicopter kami sumakay. Bumaba ang helicopter sa helipad ng isang modern na mansion.

Tumigil ang pag-andar ng makina ng helicopter ngunit napatitig lang ako sa magandang mansion. Si Alejandro na ang nagtanggal ng helicopter headsets sa aking ulo. Napatingin ako sa kaniya noong hawakan niya ang aking pisngi, bago siya bumaba sa helicopter ay hinalikan niya muna ako sa pisngi. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Inilahad niya sa'kin ang kaniyang kamay. Tinanggap ko ito at inalalayan niya ako sa pagbaba ko sa helicopter. Napatitig ako sa malinis at malaking swimming pool na malapit lang sa helipad. Sunod kong pinagmasdan ang exterior design ng mansion. Mas lamang ang glass wall nito. Dirty white ang kulay ng mansion ngunit wala masyadong design ang kaniyang bahay. Minimalist lang ito. May konting mga puno na nakatanim sa malaking paso.

Inalalayan niya ako papasok sa mansion. Malawak ang loob at minimalist lang din ang mga gamit na nasa loob. Ang kulay ng interior designs at gamit ay puti, itim, gray at white. Sobrang manly pero elegante.

Sinalubong agad kami ng mga tauhan niya. Nakahilera sa magkabilang parte ang mga ito. Nakayuko ang lahat sa aming dalawa. Napalunok ako ng laway. Hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo. Marahan kaming naglakad ni Alejandro sa red carpet. Pansin ko na mayroong mga kasambahay ngunit mas lamang talaga ang mga lalaki niyang tauhan. Ang kasuotan lang nila ay itim na tuxedo. Tumunghay ang mga ito. Wala miski isa na pamilyar sa'kin.

Ang mga kasama naming tauhan sa Albania ay hindi pa nakakarating.

Iginala ako ni Alejandro sa buong mansyon para maging pamilyar ako sa buong lugar. Tahimik lang naman akong nagmamasid sa paligid. Hindi naman ako naiinitan sa aking suot na wedding dress dahil sobrang lakas ng aircon sa buong mansyon. Bukas din ang mga ilaw sa buong mansyon. Umaga na kami nakarating dito! Three hours ang naging byahe. Maghapon, magdamag bang bukas ang ilaw nila? Paniguradong mahal lagi ang electric bill!

Noong natapos niya akong igala sa buong mansyon ay dinala niya na ako sa aking silid. Nakatayo ako sa harap ni Alejandro. Aalisin ko na sana ang suot kong three inch na heels ngunit nanlaki ang mga mata ko noong lumuhod siya sa aking harapan at siya na ang marahan na nagtanggal nito. Napahawak ako sa kaniyang ulo habang inaalis niya ang aking sapin sa paa. Napatingala siya sa'kin kaya napadiin ang pagkakahawak ko sa kaniyang buhok. Napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya kaya napalunok ako ng laway habang napaiwas ako sa kaniya ng tingin. Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan at bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinaupo niya ako sa kama. Akala ko ay lalabas na siya ngunit nabigla ako noong umpisahan niyang tanggalin ang belo na nakabitin pa rin sa buhok ko pati na rin ang mga palamuti sa buhok ko. Napakagat ako sa ibaba kong labi habang tinutulungan niya ako sa pagtatanggal ng hairpins.

"Where do you want to live?" rinig kong tanong niya sa'kin. Nabitawan ko ang hairpin na hawak ko dahil sa kaniyang itinanong sa'kin. Hindi makapaniwala na napasinghap ako.

"Are you really asking me about my opinion?" kunot noo na tanong ko sa kaniya.

Tumayo siya at pagkatapos ay lumuhod siya sa aking harapan. Nakita ko ang seryoso niyang mukha ngunit magaan naman ang emosyon ng kaniyang mga mata habang tinitingnan kung may paltos ang paa ko.

"Your opinion matters to me," wika niya kaya napatikom ang bibig ko.

Sobrang magkaiba sila ni Romarjo. Ang lalaking iyon ay walang pakialam sa gusto ko habang siya naman ay pinapahalagahan ang gusto ko?

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon