Rose and Guns 29

2.7K 127 11
                                    

Rose and Guns 29



Dehado sila dahil mas lamang ang bilang ng kalaban sa kanila. Walang awa kaming ina-ambush ng grupo ni Romarjo. Talagang pinagplanuhan ang pag-atake!

Napatingin ako sa paligid at napalunok noong makitang pinalibutan na kami ng mga tauhan ni Romarjo. Sa aming dalawa ni Alejandro nakatutok ang kanilang mga baril. Napakapit ako sa braso ni Alejandro. Naramdaman ko ang paninigas ng braso niya. Hindi niya man ipahalata ngunit alam kong natatakot siya, hindi para sa kaniya kundi dahil sa maaaring mangyari sa akin.

Inilahad ni Romarjo ang kamay niya sa akin. Pansin kong ibinaba niya ang kaniyang kamay na may hawak na baril. Unting-unting ngumiti siya sa akin. Inilagay niya sa gun holster ang kaniyang baril.

"Rona, come with me. I've been searching for you around the world. I'm very happy that we finally meet now," wika niya, halata sa mukha at boses niya ang saya.

Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi parin siya sumusuko? Baliw na ba siya?

Mas humigpit ang hawak ko sa braso ni Alejandro. Itinutok niya ang baril kay Romarjo. "Fucker! It's been a fucking years can't you move on and get a life?" malakas na sigaw ni Alejandro.

Napansin kong humakbang ng dalawang beses palapit sa amin ang mga tauhan ni Romarjo. Mas lalong nadagdagan ang takot at kaba ko. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagkuha ni Romarjo sa baril niya at mabilis niyang itinutok ito kay Alejandro. Napasinghap ako nang malakas dahil sa pangamba, mabilis na humarang ako sa harapan ni Alejandro. Marahas akong umiiling kay Romarjo.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig nito. Marahas akong umiling sa kaniya. Nanlabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha. "Please, Romarjo, stop being obsess with me," pagmamakaawa ko sa kaniya. Naramdaman ko ang paghawak ni Alejandro sa aking baywang.

Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Romarjo habang nakatingin sa kamay ni Alejandro. Gumalaw ang panga niya dahil sa galit. Mas itinutok niya ang baril kay Alejandro kaya mas lalo akong humarang upang hindi nito mabaril ang lalaking importante sa akin.

"Obsess?" patanong na sabi nito at pagkatapos ay tumawa siya.

Umiling siya sa akin at mariin niya akong tiningnan. "It's not obsession, Rona. It's love...a passionate affection. Even if I didn't see you in the past years I'm still in love with you, my love," pag-amin niya sa akin. Ang kaniyang boses ay punong-puno ng pag-asa at pagmamahal?

Napailing ako sa kaniya. Bakit nga ba ang ibang tao ay nagiging ganito? Kung kailan nawala na sa kanila ang isang tao ay doon pa nila marerealize na mahal pala nila ang taong sinaktan nila.

Maghahabol pa rin at mamahalin ang taong matagal nang sumuko sa kanila.

Ang pagmamahal nga naman ay pabago-bago.

"Fucker, where's your respect? You're confessing to her...right infront of me?" galit na sigaw ni Alejandro habang itinatago niya ako sa likod niya. Napahawak ako sa kaniyang tuxedo.

"Shut up! I'm not talking to you," malakas na sigaw ni Romarjo, "This fucker."

"You're the one who should shut up! Fucking stop this obsession of yours!" matapang na sigaw ni Alejandro.

Napasinghap ako nang malakas noong bigla niyang barilin si Alejandro sa kamay. Nabitawan niya ang hawak na baril. Malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ko. Takot na takot na napahawak ako sa braso ni Alejandro. Napadaing siya dahil sa sakit. Nag-aalala na napatitig ako sa kaniyang kamay. Ang aking tuhod ay naramdaman kong nanginig.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon