Rose and Guns 26

2.7K 123 3
                                    

Rose and Guns 26



Limang oras lang siyang umalis ngunit tuwang-tuwa na sinalubong ko agad siya noong pumasok siya sa malaking pinto ng mansyon. Malawak ang ngiti niya. Ibinuka niya ang kaniyang mga braso kaya natatawang sumaklang ako sa kaniya. Naramdaman ko na sinalo niya ang pang-upo ko upang alalayaan ako. Isang halik sa noo ang ibinigay niya sa akin. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko habang hinihigpitan ko ang pagyakap sa kaniyang leeg.

Tumikhim siya nang malakas kaya lumabas sa mansyon ang limanpung tauhan niya. Natira naman ang tatlong lalaki ngunit tumalikod agad sila sa amin habang matipunong nakatindig sa gilid ng pader.

"Welcome home!" bati ko sa kaniya.

Nakita ko ang paglawak ng kaniyang ngiti. Pabiro niyang kinagat ang aking ilong kaya napatawa ako. Naglakad siya papunta sa couch at pagkatapos ay umupo siya roon. Nanatili naman akong nakaupo sa hita niya. Inalis niya ang kamay sa akin kaya naman napataas ang kilay ko. Nag-unat siya habang humihikab.

Siguro'y napagod siya kagabi. May pinuntahan kasi siya ngunit hindi niya sinabi sa'kin kung saan. Umuwi lang siya kanina upang sabayan ako sa pagkain ng umagahan. Mabuti na lang at umuwi agad siya. Miss ko na kasi siya.

Hinigit ko ang braso niya palapit sa akin. "Yumakap ka sa'kin!" utos ko sa kaniya.

Napatawa siya nang malakas habang pinagmamasdan ako. Pinisil niya ang ilong ko kaya pinigilan ko ang kamay niya. "Naging clingy ka na sa akin," nagagalak na sambit niya.

Ngumuso ako bago magsalita, "Ayaw mo ba?"

"Gusto," sabi niya habang tumatawa.

Napalawak ang pagkakangiti ko habang inilalagay sa leeg niya ang kamay ko, papunta sa batok. Pansin ko na napalunok siya kaya napatawa ako nang mahina. Aba! Iba yata ang nasa isip niya.

Pinaglaruan ko ang humahaba niya ng buhok. "Ano? Hindi ko narinig," tanong ko sa kaniya habang nakangisi.

"I want it," sagot niya sa'kin habang nakatingin sa labi ko.

"Tagalog nga?" suhestiyon ko habang nakangisi sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang batok papunta sa may tainga niya. Napag-alaman ko noong isang gabi na may kiliti pala siya sa tainga.

Hinigit niya ako palapit sa kaniya kaya napadikit ang katawan ko sa kaniyang dibdib. "Gusto kong lagi kang malambing sa akin," nakangisi niyang sabi.

Tiningnan ko ang kaniyang berdeng mata habang natatawang kinurot ko ang pisngi niya. "Sobrang galing mo na talagang magtagalog," masaya kong sabi.

Hinuli niya ang kamay ko, at hinalikan niya ito. "Ikaw ang guro ko kaya mabilis akong natuto," aniya at pagkatapos ay hinalikan niya ang singsing na nasa daliri ko.

Umiling ako habang inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Natatawa na pinisil ko ang magkabila niyang pisngi, hindi naman siya umangal sa ginawa ko. "Sus. Sinungaling. Sadyang marunong ka nang magsalita ng tagalog. Akala mo ba nakalimutan ko na ang mga ginagawa mo dati? Stalker kaya kita tapos pasimple ka pang nalapit sa akin," pagbabalik-tanaw ko sa naalala dati.

May pa-disguise pa siyang salamin tapos mask, ako naman itong si Tanga, hindi siya mabosesan at mamukhaan. Wala rin kasi akong pakialam sa mga nasa paligid ko. Go with the flow lang sa buhay.

Tumayo siya habang tumatawa. Napahigpit ang kapit ko sa batok niya. Binuhat ako ni Alejandro hanggang sa makapasok siya sa elevator. Ibababa niya sana ako ngunit umiling ako. Hanggang sa makarating kami sa fourth floor ng mansyon ay nakakapit pa rin ako sa kaniya na parang tuko.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon