Rose and Guns 24

2.7K 119 7
                                    

Rose and Guns 24



Marahan kong ibinaba ang hawak kong kutsara at kutsilyo. Kinuha ko agad ang table napkin na nakapatong sa aking hita. Pinunasan ko ang aking labi upang maalis ang dumi rito. Napatingin ako kay Alejandro at napansin ko na nakatingin siya sa akin habang naghihiwa siya ng medium rare steak.

Hindi rin ako nabusog sa kinain ko. Iginala ko ang aking paningin sa buong restaurant, maganda naman ang ambiance rito ngunit hindi ko naman gusto ang pagkain. Ang mahal nito at dinaig pa ang ginto, ang isang steak ay kasing mahal na ng isang buwan na groceries sa Pilipinas. Hindi ko talaga gusto ang mga mamahaling restaurant. Mabigat sa bulsa ngunit sa tiyan ay hindi pa rin nakakabusog.

Napatingin ako sa live classical recitals. Ito lang ang nagustuhan ko rito dahil nakakagaan ng pakiramdam ang tugtog nila.

Ibinalik ko kay Alejandro ang aking paningin. Marahan niyang isinubo ang maliit na pirasong steak at nginuya niya ito nang mabagal. Ilang beses ko nang nakita ang kaniyang mabagal ngunit matipunong kilos, ang bawat galaw ay mayroong sopistikado, at pagka-elegante.

Kilos mayaman na hindi makabasag pinggan. Ako lang naman ang mukhang jologs, eh. Hanggang ngayon ay simpleng dress lang ang sinusuot ko o kaya tshirt at pants. Pagmagkatabi kami ay nagmumukha akong katulong.

Lumalayo na nga ako sa kaniya minsan ngunit lagi naman niya akong hinihigit palapit sa kaniya.

"Pwede bang sa susunod na magdadate tayo sa mura na lang?" suhestiyon ko sa kaniya.

Napatigil siya sa tangkang pagsubo. Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya. "Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" seryoso niyang tanong sa'kin.

Binitawan niya ang kutsara at tinidor niya. Agad niyang kinuha ang napkin at marahan niya itong ipinunas sa kaniyang labi. Ang kaniyang kulay berdeng mga mata ay hindi inaalis sa akin, naghihintay siya sa aking sasabihin.

Tumikhim ako habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. "Masarap naman pero bitin. Mas maganda pa sa simpleng restaurant, marami tapos mura," saad ko. Hindi naman nakakabusog ang steak. Gusto ko ng kanin.

Hindi pa naman uso sa ganitong restaurant ang kanin.

Tumayo agad siya at lumapit siya sa akin. Napatingala ako habang nakakunot ang aking noo.

"Okay. I know that you don't like the food here. Let's go," pag-aaya niya sa akin.

"Ha? Paano itong mga pagkain? Sayang naman," wika ko. Itinuro ko sa kaniya ang steak niya tapos ilang vegetable salad at seafoods. Hindi ako kumain ng ganoon dahil hindi ko gusto ang lasa, masyadong matabang. Wala ba silang asin dito?

"Take out," sagot niya sa akin at kinuha niya agad ang kamay ko. Marahan niya akong hinila para tumayo.

Naglakad na kami papunta sa labas ng restaurant. Ang kaniyang capo na ang nagbayad at naghintay sa mga itinake out na pagkain.

Napadaan kami sa isang kalye na maraming mga nagtitinda na mga street foods. Iba't-iba ang mga pagkain at hindi ako pamilyar dito. Napahawak ako sa bintana ng kotse.

"Ipatigil mo muna ang kotse. May bibilhin lang ako," sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga hilera ng street foods. Makukulay ang mga pagkain at mukhang masarap.

"Where? Hindi pa tayo nakakarating sa mall," seryosong sabi niya sa akin.

Itinuro ko ang labas. Sinundan niya kung saan nakaturo ang aking daliri. "Street food ang gusto ko," sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako dahil sumimangot agad siya sa'kin.

"It's not healthy," malamig ang boses na sabi niya.

"I don't care. Mas masarap ang hindi healthy," sabi ko kaya nanlisik ang mga mata niya sa akin.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon