Rose and Guns 30

3.9K 147 18
                                    

Rose and Guns 30



Noong makarating kami sa Albania ay masaya si Romarjo habang ako ay hindi mapakali sa kakaisip kung nailigtas ba si Alejandro. Sana lang ay nakarating nang maaga si Greeco upang mailigtas siya. Sa buong byahe namin ay wala akong ginawa kundi umiyak nang tahimik. Hinding-hindi mawala ang pag-aalala ko kay Alejandro.

Limang araw na akong tulala lang at umiiyak sa isang tabi. Kinakausap naman ako ni Romarjo ngunit dahil hindi ko siya pinapansin ay nagalit siya at umalis muna.

Hindi ako kumakain o umiinom. Napasinghap ako noong naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Unti-unti ko na ring nadarama ang panghihina ko. Ilang beses na rin akong nahilo at nasuka. Napansin ko na rin na may nagbago sa aking katawan.

Pamula kahapon ay hindi na bumalik si Romarjo sa kaniyang mansyon.

Hindi ko inaasahan ang pagdating ng asawa niya sa mansyon. Hindi niya naman ako inaway. Imbis na magalit sa akin ay inalagaan niya pa ako noong nahimatay ako. Noong nagising ako ay kinausap ko siya at ibinilin ko na alagaan niya at mahalin si Romarjo.

Alam niya ang lahat sa akin. Hindi na ako nagulat pa roon. Sa kanilang mundo ay parang wala ng imposible. Nagagawa ang lahat, nalalaman ang lahat dahil sa pagpapaikot nila sa mga tao. Nabanggit niya sa akin na nailigtas si Alejandro ng mga tauhan nito pagkatapos ng engkwentro sa pagitan nina Romarjo. Napanatag ako noong malaman na maayos na si Alejandro. Narinig ng Diyos ang dasal ko.

"What happened to you? Your..." Napatigil siya noong makita ang namumutla kong labi.

"I'm just stressed," sagot ko sa kaniya at napangiti ako nang mapait.

Sa aming pag-uusap ay napagtanto kong mabait siya. Nabanggit niyang siya ang anak ng Don na nagbigay ng posisyon kay Romarjo. Ang pabor ng kaniyang ama ay pakasalan siya upang ito ang magmana ng mafia organization nila.

Nakiusap ako sa kaniya upang humingi ng tulong na makauwi sa Pilipinas. Hindi siya nag-alinlangan na tulungan ako. Nabanggit niyang wala si Romarjo dahil pumunta ito sa Romania upang makipag-usap sa isang mafia leader. Nagkaroon sila ng pagkakataon upang maitakas ako. Tinulungan siya ng ibang tauhan sa organisasyon nila dahil nasa kaniya ang loyalty ng iba dahil siya ang anak ng dating Don.

Sinabi niyang poprotektahan niya ako mula kay Romarjo at sa ibang kalabang may galit kay Alejandro. Susubukan niya ang lahat upang hindi na ako guluhin pa ni Romarjo. Umaasa ako sa kaniyang sinabi at nagtitiwala ako sa kaniya. Ligtas naman akong nakauwi sa Pilipinas. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya pati na rin utang na loob.

Mas pinili kong umuwi sa Pilipinas para wala nang mangyari na gulo. Sa ngayon ay wala na akong pipiliin sa dalawa. Kung pipili ako ay habangbuhay akong guguluhin ng isa sa kanila. Upang maging patas ako sa kanila ay hindi ako pipili. Kahit na mahal ko si Alejandro ay isasantabi ko ito para sa maikling panahon na magiging masaya at payapa ulit ang buhay ko.

Habangbuhay akong makakaranas ng kaguluhan, patayan at madugong engkwentro. Hindi ko na kaya...dahil baka mabaliw ako sa sobrang takot at pangamba.

Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay katulad noong una. Gusto kong bumalik sa dati.

"Kumusta ka, anak?" masayang tanong sa akin ng aking ina.

Masayang ngumiti ako sa kanilang lahat. Binigyan ko sila ng yakap lahat. Kumpleto kaming lahat na naghahapunan. Masaya at punong-puno ng kwentuhan.

"Ilang taon kang hindi umuwi dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa," ani Tatay. Tumango ako.

"Ate, namiss ka namin," masayang sabi ni Ron. Lumaki na ito at hindi na rin masyadong pilosopo.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon