Epilogue

6.1K 167 75
                                    

Epilogue

Kinabukasan ay ipinakilala ko si Alejandro bilang asawa ko sa buong pamilya ko. Nagulat sila ngunit hindi na rin sila nagtanong pa. Binilinan na lang nila si Alejandro na huwag akong sasaktan. Naging maayos naman ang pagtanggap nila sa asawa ko. Ang mga kapatid ko ay naging malapit naman sa kaniya, paano'y binibigyan na niya ng regalo ang mga ito kaya naging ka-close niya agad. Matalino talaga. Si Tatay lang ang hindi niya gaanong maka-close. Alam ko namang sinusubukan niyang gawin ang lahat para mas maging malapit siya sa pamilya ko.

Mas na-eenjoy niya ang pagtigil namin sa Pilipinas kaya napagdesisyonan niyang manatili muna kami rito. Bumili si Alejandro ng lupa at magandang bahay na malapit lang sa probinsya namin. Malapit lang naman ito sa dagat. Ito rin kasi ang plano namin noong una. Unti-unti na niyang tinutupad.

Niyaya niya kaming lahat na pumunta sa Tagaytay upang mamasyal at makita ang bulkang taal. Na-enjoy naman ng lahat ang pagpasyal namin. Akala ko ay aalis na kami dahil tumayo na siya ngunit nagulat na lang ako noong nakita ko siyang lumuhod sa aking harapan.

Napangiti ako nang sobrang lawak noong nagpropose na naman siya sa akin ng kasal. Parang sira. Talagang wala siyang sawa na pakasalan ako, ilang beses ko na siyang pinapatigil ngunit matigas talaga ang ulo niya at sobrang mapilit.

"Ilang beses mo na ba akong pinakasalan?" tanong ko bago ngumuso. Hinalikan niya ako noong natapos siya sa pagsuot niya sa akin ng singsing.

Tumingin ako sa magandang taal volcano ngunit nawala ang atensyon ko roon nang biglang hawakan ni Alejandro ang mukha ko at iniharap niya ito sa kaniya. Napangiti siya habang niyayakap ako.

"One Thousand Nine Hundred Ninety Nine," sagot niya sa akin habang nakapaskil sa kaniyang mukha ang magandang ngiti.

One thousand nine hundred ninety nine places. Sa bawat lugar na puntahan namin ay pinapakasalan niya ako. Hindi ito imposible sa taong mapera at lubos na pinapahalagahan ka.

"Coincidence? It's my year of birth," wika ko habang ipinupulupot ang braso ko sa kaniyang baywang. Nakaramdamam ako ng hilo kaya isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

"For two thousand times, we will get married here," masayang sabi niya kaya napangiti na rin ako habang nakatingin sa magandang bulkan.

Isa ito sa pangarap ko, ang maikasal sa Tagaytay.

Sa araw rin iyon ay pumunta kaming lahat sa Enchanted kingdom upang mamasyal. Natuwa ang mga kasama naming bata. Mas lalo silang nag-enjoy at naging masaya rin naman ang mga matatandang kasama namin.

Tatlong rides na lang ang sinakyan namin dahil mahaba ang mga pila. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo kaya napagpasyahan naming magpahinga na lang. Sumakay na lang kami sa ferris wheel noong sumapit ang gabi. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng cart habang pinagmamasdan namin ang magandang tanawin sa ibaba. Noong dumating kami sa tuktok ay biglang lumiwanag ang buong kalangitan dahil sa fireworks.

"I love you, Rona," rinig kong bulong niya kaya napalingon ako sa kaniya. Mahigpit na niyakap ko siya at pagkatapos ay hinalikan ko ang kaniyang labi.

Iniibig ko rin siya nang buong puso.

Isang linggo lang ang lumipas at niyaya ko siyang makipag-date sa dagat. Namiss kong magmuni-muni at mamasyal sa tabing dagat. Naging masaya naman kami kahit na ilang beses na akong inantok dahil sa sobrang pagod. Alam ko na naman kung bakit mabilis akong mapagod.

"Why are you wearing a jacket?" tanong niya sa akin noong naglalakad kami sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang magandang sunset.

Napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Nilalamig ako," sagot ko sa kaniya.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon