Special Chapter

4.8K 170 31
                                    

Special Chapter



"I will love you forever, asawa ko," malambing na sabi ni Alejandro. Hinalikan siya nito nang marahan. Ang kaniyang mga mata ay unti-unti nang sumara. Kasabay ng pagbagsak ng huling luha sa kaniyang mga mata.

Ang huli niyang naramdaman ay ang pagpatak ng mga luha sa mukha niya na galing sa lalaking mahal niya.

They kissed and after that kiss her breathing stop and eventually, her heart also stop beating. Nahulog ang mga kamay niya sa kama dahil tuluyan nang sumuko ang kaniyang katawan. Sa kaniyang pagkawala ay nagsimulang umiyak nang malakas si Alejandro. Ang bawat pag-iyak ay may hinagpis. Punong-puno ng sakit at pangungulila sa babaeng una at huli niyang mamahalin.

Wakas|

"Alejandro," mahinang hikbi ko habang kinukuyom ang aking palad.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking mukha. Naramdaman ko ang pagbigat at pagsikip ng dibdib ko. Bakit sobrang sakit? Tulala na nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko. Tinapos ko na ang kwentong napamahal sa akin. Hindi ko man gustong tapusin ngunit kailangan. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang nanlalabo ang mga mata, kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang paghagulhol. Hindi ko na muling napigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking mukha.

Ang pag-iibigan nila ay puro at walang hanggan, ngunit kay lungkot lang talagang isipin na nagawa kong putulin ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Sinong may sabi na ang bawat manunulat ay walang nararamdamang lungkot at sakit tuwing sumusulat sila ng kwentong may temang trahedya?

Bumuntonghininga ako habang isinasave ang aking isinulat. Naramdaman ko ang panghihina ng aking kamay habang isinasarado ang laptop. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Mabigat pa rin talaga sa pakiramdam. Bakit ko iyon nagawa?

Lumuluhang ngumiti ako. I closed the book, and our story ends tragically. I am sorry, Alejandro if I didn't give you the happy ending that you deserve. That's how my hands and mind lead the plot. I never thought that It will also hurt my heart.

I am sorry for hurting your feelings, Alejandro. Can you forgive me?

I put myself inside the story. Inilagay ko ang sarili ko sa bidang karacter. Naramdaman ko ang lahat ng naramdaman niya, ang bawat sakit at pagmamahal. Mahirap palang humiwalay sa kwentong lubos mong pinagbuntunan ng lakas at pagmamahal.

Hindi matigil ang mga luha ko habang ilang beses pinag-iisipan kung papalitan ko nga ba ang katapusan ng kwento ngunit napagtanto kong mas mabuting ito ang maging wakas nito.

The story was fiction. Everything is just my imagination, all the scenes I wrote are just complete fabrications. I created our story because of my loneliness. I'm a hopeless Romantic but... I wrote a love story and it ends tragically.

Her prologue is Romarjo, but her epilogue is Alejandro. Your first boyfriend is never your last. May mamahalin ka ngunit may taong mas mamahalin mo ng lubusan. May taong sasayangin ka ngunit may tao ring magmamahal sa'yo ng buong puso at walang hanggan.

Sa pagtakbo ng isang kwento ay may natututunan din ang manunulat habang isinusulat ang bawat salitang binibigyan niya ng buhay.

Reading books can bring you to a world that doesn't exist. And by writing stories you can create your world, your own rules, and your dream life. Happiest world? It's the fictional world that I've created.

Ang bawat pagdampi ng daliri sa mga letrang nasa tipaan, ang bawat paghagod ng panulat sa papel sulatan ay sinasabayan ng pagbagsak ng luha ng isang manunulat na nasasaktan.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon