Rose and Guns 7

5K 176 12
                                    

Rose and Guns 7
Past

Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch. Halos nanlaki ang aking mga mata noong makita ko ang oras. Limang segundo na lang at mag-a-ala una na ng hapon. Magsisimula na ang klase at paniguradong ma-la-late ako.

Nagbayad agad ako sa tricycle driver at pagkatapos ay bumaba ako sa tricycle. Kumaripas agad ako ng takbo papasok sa school. Hindi ko alintana ang mga taong nakakasalubong at nababangga ko. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makapasok sa klase.

Hinihingal na tumigil ako sa harapan ng Business Administration Building kung saan naroon ang classroom namin. Huminto muna ako para huminga. Feeling ko kasi ay kakapusin na ako ng hangin sa sobrang pagod sa kakatakbo. Napahawak ako sa tuhod ko habang nakayuko, habol pa rin ang paghinga.

Saglit ko munang tiningnan ang oras at pagkatapos ay tumayo ako ng tuwid.

"One twenty na. Late na ako ng bente minutos. Patay na talaga!" nagpa-panic na sabi ko at tsaka ako tumuloy sa pagtakbo.

Hindi na ako nagdahan-dahan pa sa pag-akyat sa hagdan patungo sa second floor. Muntik na akong matapilok ngunit buti na lang at nakahawak ako sa bakal upang kumapit.

Suminghap ako nang malakas noong nakarating ako sa classroom. Tumigil ako sa may pinto habang nakayuko upang mag-habol ng hininga. Nang naging normal ang pagtibok ng puso ko ay pumasok agad ako sa loob ng classroom at yumuko ng konti.

"Ma'am, sorry po if I'm late," medyo may kalakasan na sabi ko.

Ang tahimik na classroom kanina ay napuno ngayon ng bulungan at tawanan. Napakunot ang noo ko. Lubos akong naguguluhan kaya naman tumunghay ako para makita ang mga kaklase ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Hula ko ay tumaas ang dugo ko sa aking mukha dahil sa pagkapahiya.

Napangiwi ako. Halos mahimatay ako sa sobrang kahihiyan noong napansin kong wala akong kakilala sa mga estudyanteng nakaupo.

Para akong tinakasan ng dugo sa nakita. Pati ang bibig ko ay nawalan ng laway na tila ba natuyo dahil sa sobrang pagkapahiya.

"Miss, I think you are mistaken," kunot ang noo na sabi ng babaeng professor.

Sinubukan kong lumunok kahit tuyong tuyo ang lalamunan ko. Napatingin ako sa buong classroom. Nakita ko ang halo-halong reaksyon ng mga estudyante. May natatawa, mayroong umiiling at ang iba naman ay seryoso lang at parang walang pakielam.

"Ah! Eh!" kinakabahan na anas ko.

Muli akong napalunok. Sana lahat na lang sila ay walang pakielam sa nangyari sa akin pero hindi e. Halos lahat ay tumatawa. Tatlo lang yata ang walang paki.

Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag pack ko. Yumuko agad ako at humingi ng paumanhin nang paulit-ulit.

"Sorry po, Ma'am. Pasensya na po sa abala. Nagkamali po ako. Sorry po!" nanginginig na sabi ko. Pagkatapos noon ay agad na akong tumakbo palabas ng classroom.

Pakiramdam ko ay namumutla na ako sa sobrang pagkahiya.

Mabilis akong lumiko sa may hallway at pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Agad kong chinat si Claudine, isa sa aking mga kaibigan.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon