Rose and Guns 2

12.1K 385 24
                                    

Rose and Guns 2


"Magsisimula na! 30 seconds," sigaw noong isang staff na lalaki. Napabuntong hininga ako upang alisin ang kaba na aking nararamdaman.

"Adjust the lighting!" sigaw ng isang lalaki na nasa kabilang bahagi ng studio.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking kamay. Maya-maya lang ay kailangan ko nang lumabas.

"Okay na po," sagot ng isang babae.

"Are the microphones working? Did you test it?" muling tanong noong lalaki.

Narinig kong may nagsigawan sa labas na tila ba nag-che-cheer. Wala sa sariling napangiti ako. Sila ang mga inspirasyon ko...

"It's all okay, Direk," sagot ng isang babaeng staff.

"Okay! Let's start airing," muling sabi ng Direktor.

Napansin kong nataranta ang mga kasama ko sa likod ng Led screen display. May lumapit sa aking make up artist at inayos niya ng kaunti ang aking make up. Pati ang buhok ko ay inayos niya rin at inilagay sa aking balikat.

Nang matapos siya ay nginitian ko siya at pinasalamatan. She just nodded at me.

"Where's the clapperboard?" muling tanong ng Direktor.

"Nasa akin po. Handa na po ako," sagot ng isang crew.

"Okay. Get on your positions," he said with calmness in his voice.

Panandalian akong pumikit at bumuntong hininga upang pigilan ang kaba.

"Where's our host for this interview?" rinig kong tanong ng Director. I smiled sweetly. Nagmulat din ako ng mga mata.

"Nandito po ako, Direk," sagot ng isang lalaki na merong matinis na boses.

"Good!" tipid na sambit ng Direktor.

"Is our guest ready in the backstage?" sa tanong na iyon ng direktor ay napaayos ako ng pagkakatayo.

"She's ready, Direk!" sagot ng isang boses sa tabi ko. May gamit siyang microphone kaya naman narinig siya ng direktor.

"5 seconds..." rinig kong pagbibilang ng isang staff.

"4"

"3"

"2"

"1"

Matapos niyang magbilang ay narinig ko ang sigawan at tili ng mga manonood. Kaba at pinaghalong nerbiyos ang naramdaman ko.

"Good morning, Viewers. Who's ready for this awaited interview with our famous writer?" panimulang bati ng host sa mga manonood.

Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman. Here we are...

"Meee!"

"Oh my goshhh!! I love you, Miss A"

"Yes! We are all ready for this!"

"Our anonymous writer will gonna reveal her face. Limang taon na siyang namamayagpag bilang isang manunulat. She's one of the popular romance writers in her generation," sabi ng host na agad na ikinapula ng aking mukha.

"After five years ay ngayon niya lang i-rereveal ang kaniyang identity," muling sabi niya.

"Who's ready?" tanong niya.

"We are all ready!" sagot nilang lahat at pagkatapos ay narinig kong nagpalakpakan silang lahat.

"Okay! Let's all welcome, Miss CussMeNot!" sabi ng host. Napakagat labi ako upang pigilan ang kaba.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon