Rose and Guns 13

3K 127 3
                                    

Rose and Guns 13

Nanligaw si Romarjo sa akin. Nagpadala siya ng mga chocolates at pagkain. Minsan ay nagpapadala rin siya ng mga bulaklak. Nagagawa ko naman itong itago sa pamilya ko. Isinekreto ko ito sa lahat. Hindi ko kasi gustong magtanong sila sa akin. Hindi naputol ang connection naming dalawa, araw araw kaming nag-uusap. Tatlong buwan na siyang nanliligaw sa akin.

Sa isang araw na ang graduation. Wala na kaming ginagawa sa school, tapos na kasi ang mga klase namin. Nakapag-take na rin kami ng final exam. Ang tanging ginagawa na lang namin ay ang pagpapractice para sa graduation.

Tanghaling tapat na at mainit na sa pavilion kaya naisipan naming tumambay sa likod ng school. Hindi pa nagsisimula ang practice namin dahil may biglaang meeting ang lahat ng professors. Mahangin sa open field dahil maraming puno sa gilid nito. Walang upuan kaya naman sa damuhan kami nakaupo.

Hindi lang kaming magkakabarkada ang narooon, marami ring mga ka-batch namin ang natambay rito. May ilan ding mga sasakyan na nakatigil sa gilid ng ospital. Malapit lang kasi ito sa open field. Habang nagmumuni muni ay napatingin ako sa isang magarang kotse. Bigla naman itong nagtaas ng bintana kaya hindi ko agad nakita ang nakasakay roon. Umalis na rin naman ito.

Noong oras na ng aming practice ay napagpasyahan na naming bumalik sa loob ng school. Nagpahuli ako sa paglalakad. Hinayaan kong mauna ang mga kaibigan ko. Nakapasok agad kami sa loob ng gate. May nadaanan kaming isang kotse kaya naman lumapit ako rito, at humarap ako sa bintana upang tingnan ang repleksiyon ko rito. Baka ang gulo na ng itsura ko.

Wala naman yatang tao sa loob dahil patay ang makina ng sasakyan. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Noong natapos ako ay ngumiti ako nang malawak at pagkatapos ay nag-peace sign. Hindi pa ako nakuntento at ngumuso pa ako. Mayroon pa naman akong lipstick sa labi. Mahilig talaga akong magpacute sa salamin.

Naramdaman ko ang pangangati ng ilong ko. Mangungulangot na sana ako pero napatigil ang aking kamay sa ere noong bumukas ang bintana ng kotse.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong tumakbo palayo roon. Nakaramdam ako ng kaba. May tao pala! Nakakahiya! Hindi na ako lumingon sa kotse. Hinabol ko ang mga kabarkada ko. Ramdam ko na umiinit ang buong mukha ko. Si Naye ang nilapitan ko, agad kong ipinulupot ang braso ko sa braso niya.

"Bakit ka hinihingal? Nahuli ka ba sa paglalakad?" tanong niya sa akin.

"Nakakahiya!" hindi mapakali na sabi ko.

"Bakit? Nadapa ka ba?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

Binilisan ko ang paglalakad kaya nahila ko siya. "Hindi. Nagsalamin ako sa bintana ng kotse! May tao pala sa loob!" sabi ko habang nakangiwi. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib.

"Ay! Nakakahiya ka nga," sabi niya at pagkatapos ay tumawa siya. Isinigaw niya ito kaya naman nalaman ito ng iba pa naming kabarkada. Napatawa na lang din sila.

"Baka na-videohan ka noon tapos I-upload sa social media. Magiging famous ka," rinig kong sabi ni Jonna kaya naman mas lalo akong kinabahan.

"Hindi. Kung itinuloy ko ang pangungulangot ko, baka nga maging famous ako," nakangiwi kong sabi kaya mas napatawa sila. Para tuloy kaming mga baliw na tumatawa habang naglalakad.

"Buti na lang at hindi mo itinuloy," sabi ni Clauds kaya napakagat ako sa ibaba kong labi.

"Nakakahiya," mahina kong sabi. Kung sino man siya... huwag na sanang magtagpo ang landas namin.

"Hayaan mo na... baka naman matanda lang ang tao sa loob. Hindi na big deal sa mga matatanda kung napahiya ka. Tatawanan ka lang noon tapos wala na, malilimutan na agad nila," sabi ni Meriam kaya napatango na lang ako. Sana nga.

The Mafia Boss Love InterestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon