fiftieth

241 17 3
                                    

THIRD PERSON

"Shay, Kyline, sama kayo?" Aya ni Claire sa dalawa nang makalabas sila ng kanya-kanya nilang classrooms.

"Bakit? Saan?" Tanong ni Shay sa kanya. Nagkatinginan naman si Shay at Kyline.

"Canteen, manlilibre daw si Sunghoon"

"Omg, kasama kami?"

"Isasama ko lang kayo pero wag kayo magpalibre hahahaha" Napanguso naman agad si Shay.

"Daya pero okay lang. At least may moment kayo ni Sunghoon hihi. Lezzgo!" Excited na sambit ni Shayna saka hinila ang dalawa niyang kaibigan papasok ng canteen.

Napailing na lamang si Claire habang hila-hila siya ng kaibigan.

"Claire!" Napatingin silang tatlo nang nakita nila si Sunghoon kasama ang mga kaibigan niya. Shayna teasingly looked at Claire, napansin naman ito ng dalaga kaya agad siyang binatukan nito.

"Tinatawag ka na ng bebe mo" Pang-asar naman ni Kyline sa kanya.

The table was thankfully long enough for them. Sunoo, Jungwon, Niki, Heeseung, and Sunghoon were seated on the left side of the table habang nasa tapat niya naman sila Jay, Jake, Shayna, Kyline, and Claire.

"Are you hungry? Halika na?" Sunghoon offering her to buy some food to eat. Claire smiled at him bago tumayo at naglakad kasabay ni Sunghoon papunta sa cashier.

Her friends were quietly shipping them habang impit ang mga tili nila nang makita nilang sabay na naglalakad si Claire at Sunghoon to buy some foods.

"Sunghoon, can I get this one?" Tanong ni Claire sa binata sabay turo sa egg sandwich.

"Sure. Get anything you like to eat. Akong bahala" He saw how her eyes twinkled in excitement. Napatawa na lamang siya habang pinapanood ang dalaga na kumuha ng pagkain na gusto niyang kainin.

Punong-puno ang kamay ni Claire nang bumalik sila sa table. The looks on their friend's faces were still visible but hinayaan lang nila ito. They were always looking like that lalo kapag magkasama silang dalawa

"Claire, andami mong binili. Hindi ka nahiya kay Sunghoon" Saway ni Kyline sa kanya. Sunghoon then smiled reassuringly.

"No, it's fine. Besides, thank you rin yan sa kanya" Shayna and Kyline looked at him questioning. Mukhang hindi pa nasabi ni Claire ang pagpapatuloy niya sa binata kagabi so he tried his best to think of another reason.

"Ahh, because she's a good leader. Tinulungan niya ako sa format ng newspaper" They both nodded which relieves him na pinaniwalaan nila ito.

"Oo nga pala, Claire. Sabi ni Jake na magkasama kayo kahapon ni Sunghoon" Claire choked on her food kaya naman agad na nagpanic ang lahat so Sunghoon immediately handed her a bottled water.

"Dahan-dahan lang naman. Kino-confirm ko lang naman kung magkasama ba talaga kayong dalawa kahapon" Matapos ng makapigil hiningang pagkasamid ni Claire ay pinunasan niya ang bibig gamit ang braso niya bago tumingin kay Kyline.

"Oo na, magkasama kami. Pinuntahan lang namin si Tita para sa Acquaintance Party natin"

"Omg! Next week na yun. I think it is Monday? Tapos wala tayong pasok ng Tuesday" Sambit ni Shayna.

"Yep" Sagot ni Claire.

"Omg, nakaka-excite! Sayang lang college na si Yeonjun. Isasayaw ko talaga sana siya" Napanguso naman si Shayna.

"Edi isayaw mo ko" Napatingin silang lahat nang magsalita si Jake after what Shayna said.

"I-I mean sayaw tayo hahaha. Hiphop" Sambit ni Jake saka nagkunwari na nag-popping.

"Awit mukhang may susunod kay Sunghoon ah" Makabuluhang sambit ni Heeseung at pinatatamaan si Jake na umiwas ng tingin sa kanila.

"Aysows! Pero excited ako sa sayawan. Yung tipong magpe-play sila ng love songs tapos sasayaw kayo. Ang sweet" Sambit ni Sunoo.

"Ay true ka dyan, Kim Sunoo! Excited na talaga ako. Hoy Jay, isayaw mo 'to si Kyline ah? HAHAHAHAHAHA" Kantyaw ni Shayna kay Jay at Kyline.

"Eww! Ayoko ngang sumayaw kasama yan" Reklamo ni Kyline saka inirapan si Jay.

"As if gusto rin kita isayaw. Mas gugustuhin ko na lang matulala sa table kesa isayaw ka!" Sigaw ni Jay sa dalaga.

"Ang kapal mo naman! Baka kase hindi ka marunong sumayaw" Bago pa man magkaroon ng sabong sa canteen ay tumayo agad si Claire stopping the two from murdering each other.

"Hep! hep! Masyado pang maaga para mag-talo kayong dalawa. Kung ayaw niyong isayaw ang isa't isa, edi don't!" Nagsitawanan si Sunghoon at Heeseung sa sinabi ni Claire.

"Ikaw Sunghoon? Isasayaw mo ba si Claire?" Tanong ni Jake while wiggling his brows up and down. Claire glared at him pero hindi naman natakot si Jake sa kanya.

Sunghoon turned his gaze to Claire and smiled. "Ashuuu! Ngiting ngiti ang lolo mo Sunghoon oh" pang-asar ni Heeseung sa binata.

"Ewan. Siguro?" Sagot ni Sunghoon sa tanong ni Jake.

"Sunghoon hyung, isayaw mo si Claire noona ah" Sabat ni Niki. Nagsitawanan lang sila while  Claire was just looking down in embarrassment.

TO BE CONTINUED..

❛Come In With The Rain❜ ┇ ENHYPEN's Sunghoon✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon