sixty-first

223 19 1
                                    

CLAIRE

Kaya ayokong nagpupuyat eh. I hate it so much kapag sumasakit yung ulo ko dahil sa kakulangan ko ng tulog. Pero ang problema naman kase eh hindi ako nakatulog.

Geez, what Sunghoon did last night was still haunting me. Kahit anong pilit kong iwasan isipin yung nangyare pilit paring umuulit yung scenario sa utak ko naiinis ako ng sobra.

Tumayo ako mula sa kama ko at muntik pa akong matumba sa sobrang hilo. I swear magbabayad talaga ang siraulong yun sa ginawa niya.

Sana naman wala na siya. Pleaseee! Sana umuwi na siya ng dorm nila. Mahihirapan kase akong harapin siya eh, panigurado yan. Saka wag sana akong makapag-sabi ng kahihiyan sa harap niya kase that'll haunt me forever aaaahhhh.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto para hindi ako makabulabog saka sinilip muna ang paligid. Napasilip rin ako sa bintana and the sky were still cloudy. May bagyo ata eh.

I tiptoed palabas ng kwarto saka pumunta sa kusina para i-check kung andun siya. Thank goodness at hindi ko siya natagpuan dun. I also checked on the bathroom pero wala ring tao.

Naglakad ako ng normal ng mahalata kong wala na talagang tao. Hindi ko pa kase nache-check yung phone ko so baka naman nag-chat siyang uuwi na siya. Dumiretso naman ako sa sala and he wasn't there too.

Andun parin yung plato naming dalawa, buti na lang hindi nilanggam yung syrup. Napatigil ako nang makita ko yung couch and the scenario again crossed my mind.

His lips were soft AAAAAAAHHHHHH! Mami, hindi ko na talaga kinakayaaa! Lagi akong tina-traydor ng utak ko. Lagi ko na lang naaalala. Maybe I should change the sofa sheet later. Masyado ng madumi 'to. Or maybe I can change it now.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko at naghanap ng pwedeng isapin sa sofa at ipampalit na punda sa mga unan. Thankfully, may isang pair pa akong nakita kaya bumalik ako sa sala para palitan yung sapin at punda ng sofa.

"Claire?" Napaangat ang tingin ko nang may magsalita mula sa front door. My chest started to beat loudly again nang makita ko kung sino ito.

Sandale! Bakit andito pa siya? Akala ko ba nakauwi na siya?

Nakita kong ang seryosong mukha niya ay napalitan ng matatamis na ngiti. Ang gwapo naman shuta.

AAAAAAHHHH! ANO BANG PINAG-SASABI KO?! NABABALIW NA ATA AKOOOO!

"Good Morning" Bati niya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya saka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Yes, just ignore him. That's the least you can do.

"What are you doing?" Tanong niya saka narinig ko siyang naglakad papalapit sa akin. I heard the sounds of plastic so baka nilapag niya yun sa table.

"Just cleaning" Tipid na sambit ko

"Nga pala, nag-grocery pala ako. Buti pa 'tong apartment mo may malapit na grocery. Ang layo kase ng grocery sa dorm eh"

"H-ha? H-hindi ka na dapat nag-abala" Sambit ko saka pinapasadahan siya ng sulyap pero umiiwas rin ako agad ng tingin.

"You can pay me back" Umangat muli ang tingin ko sa kanya.

"I'm sorry, maybe I'll pay you next week. Wala pa kase akong allowance" Sambit ko sa kanya. He sat on the table that was literally in front of me.

"I mean not money, Claire" I furrowed my brows. Then how could I repay him kung hindi pera?

"Paano?" Tanong ko naman sa kanya. Nagulat ako nang ngumisi siya sa akin saka lumapit sa akin. Napaurong ako agad dahil sa ginawa niya.

"I can kiss you again then we're quits" Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya and unconsciously looked down on to his lips suddenly remembering how our lips connected with each other last night

I felt my cheeks burnt up kaya naman nagkunwari akong humalakhak bago nagsalita.

"Nice joke, Sunghoon! HAHAHAHAHAHA. Wag ka na ulit magjo-joke ng ganun ha? Never!" Sigaw ko sa kanya saka dali-daling pumunta ng kwarto ko para huminga at kumalma.

Why is he suddenly saying things like that? Nahihibang na ang isang yun. He used to be shy and gentle before pero umiiba na ang takbo ng utak niya and I don't like it. Nakakatakot.

━━━━━━━━━━━━━━━

"Claire, I'm going back now" Rinig kong sigaw ni Sunghoon mula sa labas. Pagkatapos kasi naming kumain ng umaga, bumalik ako agad dito sa kwarto. Baka kung ano na namang mangyare kapag nanatili ako sa labas.

But since aalis na naman daw siya, should I come out now? Or hayaan ko na lang siya umalis? I think that was kinda rude kaya bahala na. Basta lalabas na lang ako.

Akma ko ng bubuksan yung pinto but that damn scenario again replayed in my mind. Shuta naman, kailan ba ako patatahimikin nun?

Umiling na lang ako saka bahagyang tumalon-talon muna bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napakunot agad ang noo ng makita ko si Sunghoon sa mismong tapat ng pinto ng kwarto ko. Nakataas ang kaliwang kamay niya at nakayukom rin na parang handa na siyang kumatok.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya. He then smiled brightly at me. Potek naman, alam kong gwapo ka pero wag kang ngumiti ng ganyan.

"I-I just wanted to say goodbye personally and kakatok sana ako" Tumango lang ako saka umiwas din agad ng tingin mula sa kanya.

"Uhh, Claire?" Bumalik ang tingin ko sa kanya and raised my brows asking him by just my looks.

"Thank you for letting me stay. I really enjoyed the night with you" I can feel my heart again beating abnormally.

Does he mean that... That thing happened?

"I'll just chat you again. And about sa damit mo, ibabalik ko rin bukas hehe. So I guess see you tomorrow?" Paalam niya.

"O-okay. See you" Nahihiyang sambit ko sa kanya as he walked away towards the front door. He was already at the front door nang magulat ako when he looked back at me again.

I just smiled at him hanggang sa makalabas ng pinto.

"Shet. That was close" Sambit ko saka napaupo sa kinatatayuan ko. I can feel my knees are getting weaker. Kinabahan ako masyado dun shemay.

TO BE CONTINUED..

❛Come In With The Rain❜ ┇ ENHYPEN's Sunghoon✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon