Simula

148 22 8
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

A pleasant surprise awaits.

Kapag marunong kang maghintay, may mas magandang kalalabasan.
Ang kinakailangan mo lang baunin ay tiwala at pasensya.

Minsan ka na bang pumunta sa store, sumakay sa jeep, may nakasalubong sa mall, nakasabay mag-enroll at marami pang pagkakataon na may nakilala ka at nagpadama sa'yo ng kakaibang pakiramdam.. na hindi mo man lang nalaman ang pangalan?

I don't know what's happening to me that I couldn't stop looking at her.

What's wrong with me? Hindi ko talaga alam. Ito ang unang pagkakataon na  nakaramdam ako ng ganitong pakiramdam sa babaeng ngayon ko lang nasilayan. Oo, ngayon lang talaga.
It's odd.

Binayaran ko na ang pinamili ko at panay ang aking sulyap sa kanya. Sa isang babaeng simple lang at napakaganda. Paalis na ako sa store pero hindi ko magawang lumabas. Ito na kaya ang una at huli ko siyang makita? Sa laki ba naman ng mundo, parang ang labo. Oo nga, malabo.

Buo na ang aking loob na lapitan siya para aking makilala o kahit malaman man lang ang kaniyang pangalan, pero agad akong napahinto nang makita ko siyang nagmamadaling lumabas. Umalis na.

Alis narin ako, paalam.

Napabuntong-hininga ako habang umiinom sa bagong nabili kong inuming chuckie.
Hays, kung gaano ko siya kabilis nakita ganoon rin siya kabilis nawala sa paningin ko. Naaalala niyo pa ba siya? Kasi ako, malinaw pa sa aking isipan ang pangyayaring iyon.
Sa laki ba naman ng mundo paniguradong 5% lang ang chance na makita ko siya.

Ang creepy ko ba? Hindi naman ako manyakis at lalong hindi ako mabilis ma-attract sa mga babae. Promise.

May nakapagsabi na nga na baka nga bisexual ako.. but I'm not attracted to boys!
Lalaki ako at lalaking-lalaki ako at babae talaga ang gusto ko.

Awit naman, sana nagtagal 'yong pila sa counter ng araw na 'yon.

Pangako ko sa sarili ko na kapag nagtagpo landas namin ulit ay tatanungin ko na ang pangalan niya.

Ha! Kung pagbibigyan ako ni tadhana gagawin ko talaga. Hindi ako nagbibiro.

AWAITHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin