AWAIT 5

55 18 19
                                    

Natutulala na naman ako habang nakatingin sa labas ng glass window.
Kung hindi ko pa narinig na pinag-uusapan ako sa kabilang lamesa ay hindi pa magigising ang aking diwa.

"Ang guwapo niya. Naalala mo pa ba 'yong sinabi ko tungkol sa libro na nabasa ko? Nang nakita ko siya naalala ko agad ang fictional character na iyon." Halata sa kaniyang boses ang tuwa at excitement. Nang lingunin ko ay pabiro na silang nagsasabunutan ng kaibigan niya.

"Mukha siyang galit 'no habang umiinom ng chuckie. Bhie, he got the charisma, the height, the haircut, the veins–" natigil silang dalawa ng tumikhim ako. Anong veins?!

Pasimple kong tinitigan ang ugat sa aking kamay. Maugat naman talaga ako dahil sa gawaing bahay!

"Bhie, ang haba ng mga daliri!"

Napatingin naman ulit ako sa mga daliri ko. Hindi ko alam na may observation pala ngayon.

"Bhie! Ang lamig tumitig!" Gusto kong matawa may yelo yatang lumalabas sa mata ko. It's okay, sanay na akong pag-usapan. Pag-usapan sa magandang dahilan, hindi ko alam kung bakit laging may nakakapansin sa akin. Normal na tao lang naman ako, mas lalong hindi artista at sobrang gwapo. Gwapo lang, po.

Pasimple kong binalik ang hood ng jacket ko at tumayo na para dagdagan ko ang binili kong chuckie. Pagkatapos non ay lumabas na ako sa store na iyon.

Pero bago ako umalis tumayo muna ako sa labas ng store para pagmasdan ang magandang scenario ng daan tuwing gabi. Busy ang daan, madilim sa ibang parte at minsan ay naliliwanagan ng mga kotseng dumadaan.

Let me relate this to human's life, people experiencing a kind of life that they don't know anymore where to get the strength and light to continue living. Now, you'll realise na may dumadating at napapadaan sa buhay natin na magsisilbing liwanag at lakas natin para magpatuloy lumaban, minsa'y nagbibigay pa ng aral sa buhay. Ang gigising sa natutulog nating kabaitan, tiwala sa sarili, kakayahan, at pagmamahal na akala mo wala kang maibibigay. Katulad ng isang sasakyan na nagbibigay liwanag sa daan tuwing gabi, dahil sa mapait na karanasan mo sa buhay ay hindi mo na nakita at namalayan na mayroon na palang tao na nagbigay sa'yo ng liwanag para makita mo ang kagandahan na mayroon ka.

Please, be eager to widen your mind to see the good intentions and lessons of people coming and passing by your life.

Inayos ko ang hoodie ko at tahimik na naglalakad sa madilim na daan papuntang tinutuluyan ko.

AWAITKde žijí příběhy. Začni objevovat