FATED 16

42 16 7
                                    

---

Nagising ako dahil sa ingay sa labas.
Mukhang may bisita si Eli. Nagmugmog lang ako at naghilamos at lumabas na.

"Good morning baby boy!" Nagulat ako sa dalawang babaeng bumungad sakin

Lumapit sakin si Ac at Trisha at humalik pa sa pisngi ko. I caught Eli's death glare to Ac and Trisha. Gusto ko matawa kasi nakakatawa 'yong mata niyang umiikot pa.

"Ang guwapo mo lalo kapag bagong gising." Napasinghap ako sa sinabi ni Trisha.

"Good morning." Lumapit ako kay Eli at hinalikan siya sa ulo.

"Bakit kayo napabisita?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Sisiguraduhin naming makakasama ka mamaya dahil maraming chics don! Tapos ilalakad ka namin kay Naomi..yong maganda tapos parang model?!" Sabi ulit ni Trisha na ikinagulat ko.

"Diba nong nakaraang araw nag-mall kayo? May picture pa nga si Naomi na umiinom kayong dalawa ng chuckie!"

Putaina Ac. Mapang-asar talaga to. Anong nag-mall? Anong uminom ng chuckie?
Gawa-gawa na naman siya ng storya.

"Hoy mga baliw to. Anong ilalakad, huwag na uy."
Naupo ako sa tabi ni Eli pero tumayo na siya at pumasok sa kuwarto niya. She's in a bad mood again.

"Nagseselos na yon." Nguso ni Ac sa kuwarto ni Eli na natatawa.

"Mga buang kayo. Uwi na kayo ang aga niyo mang-trip." Mahinang sambit ko.

"Type kita."

Gulat ako sa sinabi ni Trisha.

"Ako din."

Lalong nagulat ako sa sinabi ni Ac.

"Okay lang kayo? High kayong dalawa?"
Lakas ng trip ng mga to ah.

"Pero alam naming matagal kana don baliw." Halos pabulong na sambit ni Ac.

"Kaya paselosin natin."

"Gagi naman kayo eh. Uwi na kayo, sasama ako mamaya. Huwag kayo mag-alala." Ngumuso ako at napapakamot nalang sa ulo ko. Mabuti naman at umuwi na din sila. Hinatid ko pa sa labas at inantay na makaalis nang maayos.

Nang bumalik ako sa loob ay nagulat ako nong lumabas si Eli na may bag nang dala at umiiyak na naman siya.

"Where are you going?" Takang tanong ko at hinawakan siya sa braso nang nagtataka. Pero talikuran lang niya ako at palabas na ng pinto.

"Let go of me!" Sigaw niya sakin.

"No," matigas na usal ko at hinila siya papuntang living area.

"Anong problema mo Eli. Sabihin mo sakin kung ano 'yong problema hindi yong kinikimkim mo lahat."
Pinupo ko siya at nakatayo lang ako sa harapan niya.

"And now you're running away from me?" It pained me knowing that she'll leave me like this.

Alam mo yon..nasanay na akong kasama ko siya at natatakot ako na baka hindi ko na ulit siya makita.

"Ano ba ako sayo ha? Why can't you see me katulad ng ibang mga babae diyan? Bakit sila napapansin mo..eh ako kaya kailan?!"
Umiiyak siya habang nagsasalita. Nagulat ako sa mga salitang binitawan niya.

"Isang araw bigla ka nalang lumayo sakin at hindi ko alam ang dahilan! Tapos dumating yong Ac na 'yon tapos may Trisha pa at Naomi!"

Lumayo ako dahil may iba siyang nakilala.

Masama na ba akong tao kapag sinabi kong masaya akong nasasaktan siya? Alam mo yon, sa wakas napansin niya rin ako. Ito yong araw na hinihintay kong marinig galing sa kanya.

"I'm jealous alright at naisip ko na baka wala talagang patutunguhan ang nararamdaman ko sayo dahil sino ba naman ako diba? I'm just your little sister!" Galit siya sakin at masakit dahil nasasaktan ko siya..not physically but emotionally.

"Halos dalawang buwan tayong hindi naging okay.. siguro dahil may iba ka na. Umaasa lang ako at ayaw ko non kaya aalis nalang ako kasi masakit na sa dibdib, Dyke."
Siya 'yong may iba..ayaw kong isumbat 'yon at balikan pa dahil tapos na.

See?sakin siya babagsak, nasa sakin ang huling halakhak.

Sabi sa inyo e, chill lang tayo.

"Ikaw lang gusto ko, Eli" Hinila ko siya patayo para mayakap.

"It's you..the girl that I love everyday." I whispered at her..sa sobrang saya ng nadarama ko ay nanghihina ako at ayaw ko nalang magsalita sa takot na mabasag boses ko.

"H-ha?" Tinulak niya ako at nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sakin.

"Ang sabi ko maliligo na ako--"she cut me off. Joke lang Eli, ang bilis magalit.

"Dyke ano ba?!"nilapitan niya ako at hinampas sa dibdib na ikinatawa ko lang.

"Mahal kita, Eli." I cupped her face and lovingly caresses her soft cheeks.

Finally, I said it. I confess my fuckin' feelings after so many years.

"I love you too.."she said softly habang nakatingin sa mga mata ko. Pinalis ko ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.

"Say it clearly, Eli. I badly want to hear it."
Napapaos kong sabi at ikinulong ng mga palad ko ang mukha niya.

"I love you, Dyke so much that it makes my heart hurt-"

I cut her off by kissing her.

I pushed her to the sofa bed kaya napaupo siya. Okay, I'm not sorry for doing that. I looked at her face lovingly and gently held it for a long kiss.

I heard her murmuring I love you's that makes me feel overwhelmed again and again. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa mundo ngayon.

AWAITKde žijí příběhy. Začni objevovat