Wakas

53 15 4
                                    

Finale #2

"Eli, lasing ka non at hindi mo ba talaga maalala na hinila mo ako sa batok kaya mo ako nahalikan. Rapist ka." Natawa ako sa mga pinaghihimutok niya. Eh, halata namang gusto niya rin naman..'yong nagawa ko dati.

Naalala ko 'yon the next day pa nga lang. Hiyang-hiya ako sa katangahan ko dati pero masaya din dahil nahalikan ko siya.

"Ang sama mo sa akin." Inirapan ko siya, kunwari inis ako pero kinikilig naman talaga sa paninitig at panunukso niya sa'kin. I love the way he'll stare at me na parang may kaaya-ayang bagay sa mukha ko.

"At ito pa ha. Stalker pala kita? May picture pa ako sayo. Grabe talaga to, bakit ang cute ko don?"

Simula nang sabihin ko sa kanya tungkol don ay sobra-sobra ang tuwa niya dahil parehas daw namin nakita ang isa't-isa that time pero hindi nagtagpo ang aming mga mata.

Pero tingnan mo nga naman ngayon. Parehas kaming masaya at nananatiling matibay sa lahat ng pagsubok na dumating sa aming buhay.

"Stalker din naman kita ah." Inismiran ko siya.

"Asa. Che-check ko lang naman sana 'yong profile picture mo kung maganda. Hinanap ko pero wala kang facebook!"

Ismid niya sa akin. Isip bata talaga to. Nahirapan daw siya hanapin ang pangalan ko dati sa facebook na kalaunan ay kinalimutan na niyang hanapin ako sa social media dahil hindi naman daw niya ako mahanap.
Ang sabihin niya nambabae siya!

"Haha asa ka din. Paano nga 'yong hindi maka move-on sa akin ng anim na taon? Sinong nga iyong hindi mapakali ng isang taon simula magkita tayo sa store ulit?"

Tukso ko sa kanya na ikinatawa niya lang at nilapitan ako para nakawan ng halik.

"Ikaw 'yon, Eli baby." Naglalambing niya akong niyakap at sunod-sunod na pinatakan ng halik ang balikat at leeg ko.

"Tama na nga iyang lambingan niyo. Kain na, mamaya malipasan ng gutom si Eli at maapektuhan ang baby sa tiyan." Nakangiting sabi ni mama Shen, ang mama ni Dyke.

Yes, I'm pregnant and married to Dyke Guzman one year ago after my graduation. Ngayon lang kami nag desisyong magka-baby.

"Busog pa naman po ako, Ma." Nakangiting sambit ko.

"Basta kain ka lang 'nak."
Sabi naman ni papa Jacob ang papa ni Dyke.

Ang parents ko naman ay nasa Thailand na ulit, hindi naman nila nakakalimutan umuwi dito every 3 months. Hindi katulad dati na ilang taon pa ang hihintayin ko bago sila makakauwi.

Hindi naman ako nahihirapan sa pagbubuntis dahil nasa tabi ko naman  palagi si Dyke na sobrang maalaga at kapag nasa trabaho naman siya ay naiiwan ako sa parents niya.

"Malapit ka na manganak Eli. Excited na kami makilala ang maliit na bersyon ninyong dalawa. Hay, parang kahapon lang nagulat pa ako nang makitang nasa condo ka ng anak ko at napagkamalan na girlfriend niya..pero ngayon mag-aasawa na kayo at magkakaanak na. Alagaan niyo ang isa't-isa isa ha?"

Nakakataba ng puso dahil nakilala ko sila. I'm so happy that they're my family now. I'm so happy that I met him. Paano kung hindi siya iyong para sa akin? Magiging ganito ba ako ka-kuntento? Paano pala kung hindi ko siya nakilala? Magiging ganito ba ako kasaya?

Masaya ako pero sa tuwing naiisip ko na paano nga kung hindi siya... nasasaktan ako kapag naiisip ko na hindi siya ang nakatuluyan ko.

Ang laki ng bahagi ni Dyke sa buhay ko.. at hindi ko kakayanin kapag bahagi niya ang mawala sa akin.

AWAITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon