AWAIT 6

53 17 9
                                    

I'm exhausted from school but I can manage through the help of one of a kind comfort drink for me, ang chuckie syempre.

Pagka-nag-aaral ka talaga tapos pagod na pagod ka, patapos pa lang iyong lecture utak mo lumilipad na e kung ano ba gagawin mo pagka-uwi mo. Ang mahiga sa kama. Pikit ang mga mata, hindi pa nakabihis ng uniform habang nakatihaya. Heaven.

Humikab ako at naalala ko siya bigla. Punyeta kainis talaga sarili ko kung saan walang ka-connect connect ang ginagawa ko naaalala ko bigla. Talagang may time para guluhin sistema ko ah? Out of knowhere, humikab lang naalala ko na naman.

Elisha pala ha, fake name naman. Nagpakilala nga pekeng pangalan naman binigay. Oh ba't ka tampo? Karapatan niya huwag sabihin totoong pangalan niya ah.

Matapos kong kumain ng dinner ay natulog na ako.

Napapaisip ako na paano ang mga babaeng napapadaan dito?
Mukhang hindi kasi safe na dumaan dito. Aminado naman ako na kahit lalaki ay magagawan nang hindi tama pero kaya ko sarili ko.

Naalerto ako nang may narinig akong may nagsisitakbukan parang may hinahanap.

"Gago! Nandito lang kanina eh!"

"Doon yata tumakbo!"

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin at parang natatakot pa dahil pilit niyang isinisiksik ang kaniyang sarili sa'kin. Nanginginig ang katawan niya habang yakap niya ako.

"Help me.."

Mahigpit na mahigpit ang yakap niya sa akin.

Napahinga ako nang malalim at nagising bigla. Tulala ako at nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na kaba. Parang totoong panaginip. May tumatakbong babae tapos may humahabol sa kaniya. Madilim ang daan at ramdam ko ang kaniyang takot.

Hanggang ngayon, tulala parin ako habang nasa klase. Ewan ko, parang totoo talaga ang yakap na naramdaman ko sa panaginip na iyon. Yakap na nai-imagine ko lang kay Elisha.

"Tulala ka diyan, babae no?" Tanong ng katabi kong babae. Her name is Ac. Mabait ako kaya mabait silang lahat sa akin. Walang away-away sa section namin, magkakaibigan lahat at walang na le-left behind.

"Secret, bawal sabihin, no clue. "

"Ah talaga, kahit hindi mo sabihin mukha mo parang kakagaling sa heart break."

"Huwag ka nang manghula, sayang laway, Ac."
Tinawanan ko siya habang siya naman ay umismid at pumunta sa ibang kaibigan niya. Daldal, muntik pa akong mahalata. Tutuksuhin ako ng mga kaklase kong uhaw sa marites.

Naaalala ko bawat oras ang panaginip ko. My heart aches badly for all the women out there who are experiencing this kind of nightmare. Boys, please respect girls, they don't deserve that shit. Ang mambaboy ng kanilang karapatan mamuhay ng may seguridad at kapayapaan.

I just finished my shower and I'm currently cleaning my room and putting my things to it's proper place.
Clean room, peaceful sleep.

Nasa maliwanag na kami at nasa harap ko na ang gusaling tinutuluyan ko. Ano ba to, paano ko ba siya papatahanin? Iyak siya nang iyak. Hindi ko naman alam kung paano ko to papatahanin. Kanina pa nakayuko tapos gulong-gulo pa ang buhok kumalat sa mukha.

Unang beses pa akong nakapagbuhat ng malaking baby tapos nawala pa virginity ko dahil gusto ko si Elisha lang mayayakap ko ng ganito kahigpit!

"You're safe now.."
Nakatungo lang siya habang tumatango sa sinabi ko.

"Do you want me to bring you home? Saan ka ba nakatira?" Hindi ko alam kung ano ang maling nasabi ko dahil lalong lumakas lalo ang kaniyang mga hikbi.

"Saan ka umuuwi? Hatid na kita para makakapag-pahinga ka na."

"Lumayas ako sa amin." Mahinang sambit niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang boses niyang parang kay Elisha. Iyong mahina at tunog malambing.

Ah, saan ka pupunta kung ngayon para mahatid kita?" Nakatunghay ako sa kanya at siya naman ay nakaupo sa harap ko.

Nilagyan ko ng straw ang chuckie at binigay sa kanya. Ayaw ko pa sana e-share kasi sa'kin lahat ng ito.. pero kasi umiiyak siya. Bigyan ko na lang.

"Thank you.." nagpahid siya ng luha at kinuha ang bigay ko sa kaniya.

She tied her hair smoothly in front of me at halos mapaubo ako nang makita ko ang mukha ng kaharap ko.

"Elisha?" Kabado kong tanong baka kasi sa araw-araw kong kakaisip sa kanya ay nagha-hallucination na ako.

"D-Dyke?"

Nanginig ang boses niya at bigla akong niyakap nang mahigpit. At sa pangalawang pagkakataon, nagising ulit ako na napahingang malalim. Tulala at ayaw pa sanang magising sa panaginip na iyon. Sayang, walang dugtong, baka mamayang gabi ulit. Sana. Kahit sa ganitong paraan man lang, magkita kami.

Sa panaginip.

AWAITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon