FATED 15

40 17 15
                                    

---

Nasa labas na ako ng magulat ako ng makitang nakasunod siya sakin.

"S-si Ac kikitain mo no?"paratang niya sakin.

"Oo."I joked.

"Magsama kayo!"nagulat ako sa sinabi niya at naniwala naman siya!

Babawiin ko naman sasabihin ko sana pero nagtatakbo na siyang pumasok ulit sa condo unit ko. Uto-uto din to minsan hay naku. Chuckie nga kikitain ko eh.

Mabilis kong kinuha ang supot ng chuckie at bumalik na ulit sa loob. Parang baliw kasi yon magsama daw kami ni Ac, eh siya gusto ko kasama.

Hehe.

Nang makapasok ako ay nakita ko siyang galit na kumakain ng toblerone at namumula ang mata at ilong. Sobrang tamis naman niyan kainin lalo na kapag uubusin niya lahat yan.

"Inom ka maraming tubig mamaya ha."sabi ko at napasigaw pa siya sa gulat.

"Why are you here?"turo niya sakin. Grabe naman to mukha ba akong stranger?

"Nasan na si Ac?" Tanong niyang nagtataka at nagpunas pa ng pisngi at kinusot ang mata.

Umiyak ba siya? Bakit feeling ko may mali? Bakit si Ac na bukambibig niya ngayon?

Hala may gusto siya kay Ac?

Tangina joke lang. Nagseselos siya don? Eh siya mahal ko.

"Umalis na si Ac..hinatid niya lang to." Itinaas ko pa ang supot ng chuckie.

"Ito pala binili niya kanina pauwi."
Dagdag ko pa.

Sorry Ac. Joke lang to pero kong seseryosohin niya eh di okay.

"B-binili rin kita kanina.."bulong niya at tumakbo papuntang kuwarto at nong bumalik na siya ay nahihiya niyang inabot sakin yon.

"Aww thank you, Eli. Maglalasing tayo mamaya ng chuckie." I laughed pero natigil din nang makita ko siyang malungkot na nakatitig sakin at mukhang paiyak na.

"Hey..you're okay right?"
Ibinaba ko ang mga supot hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

I kissed this sweet lips last night.

"Saan masakit sayo? Bakit ka malungkot? May nang-away ba sayo? Sino? Sabihin mo at bugbugin natin dalawa." I'm worried.

"Masakit, Dyke."

Tangina. Sabi ko nga ba eh.

"Saan? Sino nang-away kay Eli ha?"
Malambing kong tanong.

"I think I l-love him.."she said stuttering.

Oh. Ako ba yon o yong lalaking yon?
Ayaw ko mag react agad..ayokong isipin na iba mahal niya at hindi ako yon. Bakit siya nagkakaganito diba kong wala siyang feelings sakin?

"Okay, he's so lucky then. Akala ko kong may nanakit na naman sayo."
Niyakap ko siya nang mahigpit. She's so soft in my arms. I wanna stay like this for a while.

Nang matapos kaming mag dinner ay naupo ako sa sofa habang ka-text si Ac tungkol sa lakad namin bukas. It's a party for us dahil tapos na internship namin. Next week naman ay graduation ko na.

"May lakad ako bukas ng gabi. Okay kalang ba mag-isa dito? Text ko nalang si mama na samahan ka muna."

"I'll be okay here. Don't worry." Mahinang sambit niya at umiwas ng tingin sakin.

Gusto ko siyang isama pero huwag na lang baka pag-tripan pa don.

"You'll be drinking right?"
Tanong niya at naglulumikot pa ang kamay.

"Yes, Eli."

"Maglalasing ka?" Ismid niya sakin. Cute ni Eli talaga.

"Hindi ko alam. Si Ac nalang daw maghahatid sakin kapag hindi ko kayanin mag drive."

"Bakit siya? Wala na bang iba don? Iyong lalaki sana?"
Sunod-sunod niyang tanong.

"I'll try to talk to Dan."
Napakagat-labi ako at gustong matawa sa reaksiyon niya. She's jealous right?

AWAITМесто, где живут истории. Откройте их для себя