AWAIT 11

48 16 15
                                    


"Hala! Ang cute ng puppy! Saan mo nakuha 'yan?" Hindi niya alam ang kaniyang gagawin habang nakatingin siya sa hawak kong tuta. Nang gumalaw ang tuta na parang ayaw na magpa-karga ay ibinaba ko na ito.

"Anak iyan ng aso ni Luke, tatlo iyan sila eh at siya ang ibinigay ni Luke sa akin."

It's a white pup, chubby and adorable.
Lalaking tuta na mahilig magtatalon-talon. Kumikiwal-kiwal pa ang buntot habang nilalaro si Elisha.

"Buti ibinigay sa'yo?"

"Mukha ba akong hindi marunong mag-alaga binibining Elisha? Alagaan kita diyan eh hanggang sa pagtanda mo."

Gusto mo 'yon sabay tayong tumanda at magkasama parin sa iisang bahay?

Nagpipigil siya ng kaniyang ngiti at namumula pa ang kaniyang pisngi. Baby, I'm serious.

"Mahina, walang sagot." Tuya ko sa kaniya.

"Saan mo natutunan magbanat nang ganiyan ha?" Naniningkit ang kaniyang mga mata habang lumalapit sa akin. Oh man, I like it. Come near me, baby.

I hold her waist while we're looking at each other's eyes.

"Can you smell my chest?" I asked her.

"I can smell it from here, you smell handsomely, Dyke." I rolled my eyes hearing her response. Tangina ang hirap itago ang kilig eh.

"Come on, just smell it."

She rolled her eyes too at lumapit pa lalo sa akin para amoyin ako. Nang amoyin niya na ay yumuko naman ako para mahalikan ko ang kaniyang noo.

Napahawak siya agad sa kaniyang noo. Namumula ang mukha na napatingala sa akin.

"What a thief." I laughed.

"Welcome, Eli. Swerte mo naman kiniss sa noo ni Dyke." I said laughing at nilaro na ang tuta.

"Kapal mo naman!" At sinabinutan na ako and the pup started barking her when she did that.

"Ayan inaaway ka na, inaaway mo kasi si Daddy!"

"Eh ikaw kasi!" Tumigil na siya dahil sa kakatahol ng tuta sa kaniya.

"Ano ang ipapangalan natin sa kaniya?"

Parehas kaming nag-isip pero wala akong maisip na maganda.

"I think A-chi kaya?"

"Achi? Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Short for chuckie."

"Like u-c-k-i-e?"

"Palitan natin spelling kasi mahaba, a-c-h-i na lang and pronounce as Aki."

"Either Achi or Aki it's still a cute name for him though.. "

"Achi for his formal name, and for his nickname it's Aki."

"Ang cute! Bagay na bagay sa kaniya kasi gwapo na ang cute-cute pa." She said happily. I like it when we talk about things and we just understand each other.

"Hi, Aki."

Ganoon na lang ang pagtatalon ni Aki sa loob ng bahay. Thanks for Luke, he gave me this. Maalaga daw ako eh kaya niya ibinigay sa akin. Ang gago kasi alam niya na may inaalagan ako dito sa apartment. Ka-live in pa nga daw eh! Boang.

"Pakisabi kay Luke, na friend mo, thank you sa pagbigay kay Aki sa atin." She said smiling while playing with Aki.

"Oh sure, I will."

"We'll buy Aki later his needs, I'll just take a shower first." Want to go with me, momma Eli? Joke lang baka sapukin ako.

Bumili na nga kami ng mga kailangan ni Aki. Baby na baby namin ni Eli. Ganito pala pakiramdam kapag may asawa ka na at anak.

Practice lang muna.

Baka tutuhanin ko magulat kayo ha.

She's holding our baby Aki, habang ako naman dala-dala ang mga pinamili namin. Bumili narin pala kami ng tali dahil pupunta pa kaming parke mamaya.

"Gagala tayo sa parke diba?"

"Opo, binibini."

"Bili tayo ng ice cream, Dyke. "

Yeah, her favorite is ice cream while mine is chuckie. She also like my favorite now. Of course ako din, mahilig na din sa ice cream.

"Okay, we'll buy your favorite ice cream." Cookies and cream, strawberry, and ube. While mine is chocolate.

Inuna ko na muna sa sasakyan ang unang pinamili namin habang siya naman ay naghihintay doon sa labas ng grocery.

Pagkabalik ko ay may kausap na siyang lalaki at nilalaro pa ang anak namin. I knew it, it's Luke.

"Hey, Luke."

"Kaya pala kamukha ng tuta na ibinigay ko sa'yo dahil siya naman pala ito. She's Eli, right?"

"Yes. Eli, si Luke pala. "

"Hi, thanks for giving Aki to us."
Nakangiti niyang sabi kay Luke at agad naman sa akin ang kaniyang tingin. Good girl, sa akin ka tumingin huwag na kay Luke baka sabihin gwapo na naman siya kasi nakatingin sa kaniya. Kaya nga nahulog sa educ na iyon dahil nakatingin daw sa kaniya. Crush daw siya ng educ student na iyon kaya ang ending siya pa ang naunang nahulog don.

"Oh, his name is Aki huh. Cute name bagay sa kaniya. Well, alagaan niyong mabuti." Tiningnan niya pa ako nang masama. Mukha ba talaga akong masama? Mabait naman ako at maalaga ah?

"We will, Luke." Ngumisi siya at alam kung "tangina mo, gustong-gusto mo kasi kasama mo ka-live in mo." Alam ko na 'yang mga tingin at ngisi niya sa akin eh. Iyan lagi ang tukso niya sa akin.

"May kikitain pa ako. I gotta go, Dyke, Eli." Kikitain niya ang crush niyang Educ. student. Kumaway rin siya kay Aki na panay ang kiwal ang buntot.

"Sigurado na ba iyang ka-date mo?"

"Aasawahin na agad, mana ako sa'yo eh."

Ang gago. Ano kaya pinagsasabi nito nang wala ako kanina? Baka ibinuking na ako? Kapag ginawa niya iyon, may sapok siya sa akin.



"Siya lang ba ang close friend mo?"

"Yeah, magkaibigan na kami niyan simula nang high school. Ang kaibigan ko naman noong elementary, eh sa ibang school nag-aral kaya hindi na masyadong nag-uusap pero magkaibigan parin naman kami."

"You look happy when you're talking with your friend. That's awesome. "

I'm happiest when talking and being with you, Eli.

By the way, Eli doesn't have close friends, ako lang talaga ang napalapit sa kaniya. Kuyazone and friendzone ang Dyke niyo. I can work this out. May tiwala ako sa secret panliligaw ko sa kaniya eh. Wala siyang kaalam-alam na nanliligaw na ako.

Pagkatapos naming bumili ay pumunta na agad kaming parke iyong malapit sa apartment lang namin. Ang saya-saya ni Aki habang naglalaro doon, panay pa ang takbo niya kaya napapatakbo rin kami ni Eli kapag napapalayo siya sa amin. Protective parents ang lagay naming dalawa.

Ganitong-ganito ang gusto kong buuin na pamilya. Simple lang at masaya.

AWAITOù les histoires vivent. Découvrez maintenant