AWAIT 13

38 17 11
                                    


"Sa wakas may iniuwing magandang binibini ang aking anak!" Iyon agad ang bungad sa amin ni Mama. Kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya natutuwa na makita si Eli na kasama ko umuwi sa bahay. Nakatago naman ang ngiti ni Papa. Isa pa tong Papa ko tuwang-tuwa din na makita akong may iniuwi na maganda.


"Umuwi rin po ang gwapo niyong anak, Ma at Pa."

"Ay oo nga parehas kayo pinagpala ang mukha! Ang swerte mo naman kay Eli!"


Natawa na lang ako dahil kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ni Eli. Ang hilig ni Mama mang-asar.

Simpleng up and down ang aming bahay. May garahe, maliit na pool, may tree house sa bakuran, may garden sa harap ng bahay at may fish pond din na maliit lang. Mayroong pitong kwarto sa bahay, may library at may movie room. Namiss ko ang bahay na kinalakihan ko! May mga kapit-bahay naman kami at ang iba ay mga kababata ko pa, pero ngayong malalaki na kami ay halos hindi na kami nag-uusap dahil abala na kami sa kaniya-kaniyang buhay namin.


Pababa na ako sa hagdan namin nang marinig ko ang pinagsasabi na naman ni Mama kay Eli.


"Sigurado ka ba 'nak, hindi siya nanliligaw sa'yo? Hindi talaga kayo? Baka naman sini-sikreto niyo sa amin ang inyong relasyon?"
Narinig ko ang tawa ni Eli sa sinabi ni Mama.


"Tita, mukhang wala namang gusto si Dyke sa akin at hindi po talaga siya nanliligaw. Baka po may ibang nililigawan. Gusto niyo pa ba alamin ko?"

Napahawak ako sa aking noo sa aking naririnig. Ano ba yan Mama at Eli?


Ma, nanliligaw ako ng palihim. At ikaw naman Eli, wala akong nililigawan na iba!


"Alam mo 'nak, hindi pa 'yan nagkaka-girlfriend. Mabait 'yan si Dyke, matalino rin at mapagmahal. Tahimik lang 'yan pero kapag kikilalanin mo ay talagang makulit na bata. Hindi kayo lugi sa isa't-isa no!" Isa pa 'tong si Mama nilalakad pa ako!

Gustong gusto talaga ni Mama si Eli para sa akin. Ako din naman Mama, gustong-gusto ko siya para sa akin.


"Akala ko nasa labas ang mga marites, nasa loob pala ng bahay namin. Grabe naman 'to."


"Ang epal ha." Nakasimangot na sambit ni Eli.


"Who you kayo sa akin." Kunwari nagtatampo ako sa kanila pero alam kong walang effect yon kay Mama.


"Who you ka din, mamalengke ka kaya? Kuhanin mo ang pera sa Papa mo at umalis ka na. Tuturuan ko pa itong si Eli magluto." Wala na nga akong nagawa at sinunod ko na ang utos ni Mama. Syempre mas masaya kapag isama ko na lang din si Papa para may kasama ako at kakampi na rin.


Nag-uusap kami ni Papa habang nagmamaneho ako. Naikuwento na naman niya kung paano siya na-inlove kay Mama noon at kung paano niya ito ligawan dati.



"Alam mo anak, mas magiging masaya ang nililigawan mo kapag naiparamdam mo na espesyal siya at may kakaiba sa kaniya na talagang nagustuhan at minahal mo sa kaniya. Katulad sa Mama mo ay espesyal para sa akin ang natatangi niyang kakulitan. Ikaw ba, anong nakikita mong espesyal kay Eli?"

"Ang alam ko lang Papa ay araw-araw akong nahuhulog sa kaniyang malinis na puso at pagkatao."

Sobra siya para sa akin. Napakabuti at napakaganda.

"Hulog na hulog ka nga. Ang sagwa natin pakinggan kapag hulog na hulog tayo sa babae, anak."

Natawa kami pareho dahil totoo naman talaga. Hulog na hulog ako kay Eli.

Mahina akong natawa sa text na natanggap  ko.


From Eli:

Ice cream pabili ako libre mo hahaha



My pleasure, aking mahal.



To Eli:

Walang libre ngayon pero kapag ikaw sure, kiss ang bayad po



Pagkatapos naming mamili ni Papa ay dumaan nga kami sa flower shop. Bumili ako ng ilang piraso ng tulips at daisy na ibibigay ko kay Mama at Eli. Simple things  make my loved ones heart melt.



From Eli:

Kiss mo si Aki hehe



Napangiti ako. Kunwari pa siya eh gusto niya naman! Hehe biro lang hindi ako sure.




To Eli:

Mommy sana ni Aki ang gusto ko eh.


Kinakabahan ako.





From Eli:

Ha hatdog



Ha hayop na yan. Napapaisip ako na natutunan niyang mang-asar dahil din sa akin eh. Tinuruan ko nga.

Itong puso ko hindi ko na maintindihan ang tibok lalo na ngayon na kaharap ko si Eli habang kumain kami ng dinner.

"Gusto mo ba 'to?"

Turo ko sa adobo na nasa harap ko. Madami kasing luto si Mama na ulam at itong adobo yata hindi na niya napansin. Masarap pa naman to, favorite ko kasi.

"Sure, please." Sabay lahad ng kaniyang pinggan sa akin. Nagkatinginan pa si Papa at Mama. Itong mga magulang ko talaga talagang nasa amin ang atensyon. Nakabantay sa kilos ko.

"Totohanin niyo na lang kaya?" Sambit ni Mama, gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lamesa.

"Ang ano po?" Inosenteng tanong ni Eli.
Hayaan niyo na ganiyan talaga siya ka-manhid.


After dinner naghugas kami ng pinggan ni Eli. Ayaw pa niyang tulungan ko siya eh kaso dahil mapilit ako, hindi na siya pumalag pa. Si Mama at Papa naman ay kalaro si Aki. Nawiwili na din sila sa kakalaro at balak pa yatang ipaiwan dito kahit one week lang daw. Napag-desisyunan naman namin ni Eli na pagbigyan sila para naman may pagkakaabalahan sila rito.



Tumambay kami sa tree house pagkatapos naming maghugas. Dala-dala niya ang kaniyang ice cream at ako naman ay ang chuckie.

"Close your eyes, Eli. I have something for you.."

"Really?" Excited niyang tanong at agad pumikit. "Seryoso yan ha? Kapag yan biro mo lang lagot ka sa akin." Banta niya sa buhay ko.

Kinuha ko ang nakatagong flowers at iniharap sa kaniya habang siya ay nakapikit. Mabilis din ang aking kamay na kuhanan siya ng litrato.


"You may open your eyes now, Eli. "
I bit my lower lip when I got to see her reaction.


"Thank you for this, Dyke." She said happily and teary eyed.


I love you.


She suddenly hugged me and kissed my cheek.



Wala na nabaliw na ako.

AWAITWhere stories live. Discover now