FATED 17

48 15 4
                                    


---

Tapos na akong magbihis, siya na lang 'yong hindi pa.

I'm wearing now a plain white shirt, black pants and a pair of white sneakers.

"Eli, hurry up." Sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa cellphone. Ac is texting me to go there already pero mamaya pa siguro kapag tapos na ang party. Napairap ako dahil hindi pa tapos bibi ko mag-ayos.

Maganda na naman siya kahit hindi na siya mag-ayos! Sa kinis pa lang ng balat niya lalo na ang kanyang pisngi. Her eyebrows were perfectly made, may saktong arko at kapal. Iyong mga mata niyang kulay itim na kung makatitig ay inaangkin ako. Mahaba ang kanyang pilik-mata na lalong nagpadagdag sa nang-aakit niyang mga mata. Isang kisap lang yata ng mata niya mapapasunod na niya ako eh. Ang ilong niya naman ay matangos din. Ang labi niya.. ang siyang pinakagusto ko. I love to romance her lips.. mapula iyon kahit hindi niya iyon nilalagyan ng pangkulay.

"Who are you texting with?" Napaangat ako ng tingin at napanganga na lang sa aking nasilayan.

She's wearing a denim jeans, a pair of black sandals, and a small top with a cute flower printed on its chest part. Maiksi pa iyong buhok niya na umabot lang sa kanyang leeg kaya naman kitang-kita ang makinis niyang balat doon. Ang sarap maghanap ng scarf sa closet ko.

"Huwag ka na pala sumama Eli.." napakamot ako sa aking batok habang  nakatanaw sa kanya. Mukhang marami akong tatakpan na mata don eh. Napalabi ako at hinila siya palapit sa akin. Gusto kong palagi siyang nasa tabi ko at nasisilayan ko ang mukha niya at isa pa nasanay na ako na malapit kami sa isa't-isa eh.

"Sabi mo isasama mo ako tapos–teka, gusto mo lang mambabae don 'no?" I laughed at her. Ang ganda ng girlfriend ko, ang cute pa.

"Pwede–ouch Eli!" Reklamo ko nang pingutin niya ang tenga ko.

"Sabi ko na nga ba! Ang landi mo may pa-selfie pa kayo ni Naodi na yon-"

Naodi?

"Babe, it's Naomi not Naodi, grabe ka tunog Saudi naman 'yon."

"At talagang pinaglalaban mo pa siya? May pa selfie pa kayo habang umiinom ng chuckie akala ko ba ayaw mo may ka-share non!" Irita na siya sa'kin pero tinawanan ko lang mga paratang niya.

"Eh hindi naman ako naki-inom  sa kanya ah? Bumili siya ng kanya." 

"At kailangan talaga mag-picture? Eh iyong sinabi ni Ac na maingay ka daw nang kayo lang dalawa?" Malakas akong natawa sa kanyang mga reklamo. Kasalanan niya 'yon naniwala na ba naman siya kay Ac. Ang green ng utak nito ah.

"Wala yon, tarantado talaga si Ac!" Sabi ko at lumalayo na sa kanya dahil sa mga hampas niya sa akin. Mapanakit talaga si Eli!

"Ahhh! Help me my neighbors. Eli is harassing me!" Tumakbo ako palayo sa kanya bitbit ang throw pillow na ginawa kong panangga.

"Ang guwapo mo talaga kahit kailan! Ikaw na lang ang huwag sumama!" Irita niyang sigaw na ikinatawa ko. Hindi niya napigilan ang kanyang mga bungisngis kaya natawa na rin.

"Guwapo ako?"

"Palagi." Napanguso siya at inirapan ako.

"Saang parte ako guwapo?"

"Lahat, Dyke." Umirap siya ulit at namula ang kaniyang pisngi.

"I love you."

Lalo siyang namula sa sinabi ko. Kulang yata ang 'i love you' para ipahiwatig ko kung gaano ko siya kamahal.

"Tara na, hindi naman kita sasaktan ah at hindi ako galit. Magagalit lang ako kapag mambabae ka talaga. Sa'kin ka lang diba?" She chuckled cutely at niyakap ako nang mahigpit nang magpahuli na ako.

AWAITWhere stories live. Discover now