AWAIT 8

44 16 16
                                    

Napabalikwas ako nang may naririnig akong nag-uusap. Agad nanlalaki ang mata kong kakamulat lang nang makita si Mama at Papa sa harapan ko.

"Bakit ka dito natutulog ha?" Takang tanong ni Mama sa akin.

"May bisita ako, Mama."
Antok kong sabi at pumikit ulit.

"Naka-lock pinto ng kuwarto mo. Bakit?" Dagdag ni Mama.

"May guestroom naman ah?" Takang tanong naman ni Papa.

"Hindi ko nalinis nandoon mga nakatambak kong mga gamit. Lilinisin ko na 'yon, Mama. Don't worry." Napahikab ako na nakapikit pa.

"Para kang abnormal, Dyke. Mag girlfriend ka kasi para magkaroon naman ng kulay iyang buhay mo."
Humikab lang ako abnormal na agad?
Porket sa sofa natulog wala ng kulay ang buhay?

"Ang sakit mo naman magsalita, Ma. Guwapo naman ako kahit bagong gising. At ma.. tatanda po akong binata, wala kang apo sa akin." Iling ko at niligpit na ang mga unan ko.

"Ayusin mo buhay mo Dyke ha. Kapag hindi kami nagka-apo sa'yo magkalimutan na tayo."

Natawa kami ni Papa sa sinabi ni Mama. Wait ka lang, Ma, slowly but surely 'to.

"Grabe naman itong si Mama."

"Nagluto na ako ng breakfast." Sabi niya at hindi kami pinansin ni Papa na natatawa parin. Gusto magka-apo,
ang problema hindi pa sa ngayon.

"Talaga, Ma? Salamat naman." Syempre hindi ko pinahalata na sobrang saya ko baka hampasin na naman ako ng sandok pag nalaman na tamad parin ako magluto. Marunong ako, tamad lang.

Tumalikod na ako pero natigilan ako nang makita ko si Elisha na natigilan din nang makita ang mga magulang ko.. at ito na nga nag re-react na si Mama.

"Dyke bakit hindi mo sinabi na may girlfriend ka na ha?! At binabahay mo pa?!" Gulat na sambit ni Mama. Gulat siya eh. Gulat pero hindi siya galit.

"At kung hindi pa kami nagpunta rito ay hindi pa namin malalaman." Gulat ding sambit ni Papa.

"Si Elisha po, Mama, Papa. Kaibigan ko lang po siya. Kumalma nga kayo. Ah, Elisha, magulang ko pala."
Hilaw akong ngumiti kay Elisha na namumula ang mukha dahil sa sinabi ng Mama ko. Parang napako na nga sa kinatatayuan niya.

"Hi po, good morning," bati niya sa magulang ko.

"Ang ganda mong bata, hija. Magkakaibigan lang ba talaga kayo?" Paninigurado ni Mama. Ayaw maniwala ah?

"Opo." Nakatitig siya sa akin. My heart, love. Stop staring. Practice lang.

"Ah ganoon ba. Gutom ka na ba? Dyke maligo ka na, ang baho mo. Sumabay ka sa amin kapag tapos ka na maligo ha."

Laugh trip itong si Mama. Kakagising ko lang at naligo naman ako kagabi pero.. inamoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho!

Napailing ako at naligo na nga. Nakaligo na rin pala si Elisha. Pinahiram ko ng damit kagabi baka kasi maligo siya at walang pamalit.
May mga bago naman kasi ako sa closet ko.

"How old are you, Elisha?" Tanong ni Mama.

"20 na po ako, Tita. Second year college na, po." Magalang niyang sagot kay Mama.

"Mukha ka lang 18 years old. Baby face ka, hija."

"Hindi ka ba natatakot sa anak ko, alam mo bang nangangagat 'yan kapag nauubusan ng chuckie." Natawa pa sila sa sinabi ni Mama. Si Papa naman ay hirap pang pigilan ang tawa niya. Mga bully.
Pinagkakaisahan ako ah, parang hindi talaga ako anak ah.

"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elisha at natatawa narin siya. Buti na lang exempted ka.

"Oo, kaya ingat ingat lang ha?"

"Ma, tama na. Nahihiya na ako kay Elisha," umismid ako at nilantakan na lang ang pagkain. Kailangan ko nang maraming energy para sa asaran mamaya. Paniguradong madaming baon si Mama ngayon.

"Ma, Pa..okay lang ako. Ang importante nakaalis na ako don sa bahay," she's crying again.
Ilang araw na siya sa condo ko dahil takot parin siyang umuwi. Naglakas loob rin siyang magsumbong sa mga magulang niya tungkol sa tiyuhin niyang mapang-abuso at tiyahin niyang mga mapipintas. Mabuti nga iyon para alam ng mga magulang niya ang mga nangyayari sa kaniya.

"I'm sorry, anak. Wala kami diyan para protektahan ka. Huwag kang mag-alala ipapakulong natin sila, okay?" Narinig ko sa kabilang linya ang iyak ng kaniyang ina. At galit na galit naman ang kaniyang ama.


"Dyke.." sarap pakinggan ng pangalan ko.

"Gusto ka makausap ni Papa."

Kabado ako dahil makakausap ko ang kaniyang ama. Parang ang bilis, panaginip pa siguro ito, 'no?
Tinanggap ko ang cellphone at kabadong-kabado ako. Bakit gusto niya ako makausap?

"Hello, Sir. I'm Dyke.. kaibigan po ako ng anak niyo." Kailangan kalmado ako, nasa harap ko si Elisha baka sabihin niyang nanglalambot ako.

"Gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa pagtulong sa anak ko at pagpapatuloy sa kanya diyan sa apartment mo. Sana huwag mo siyang pabayaan ha. Wala na akong tiwala sa nakapaligid sa kaniya, pero dahil ikaw ang tumulong sa kaniya noong gabing iyon, alam kong may mabuti kang kalooban. Sa ngayon kasi hindi kami agad makakauwi diyan sa Pilipinas at ayaw niya talagang sumunod rito. Tatapusin niya daw muna ang kaniyang pag-aaral diyan."

"No worries, Sir. I promise to take good care of your daughter."

"Tito na ang itawag mo sa'kin.. and one more thing.. gusto ko sana samahan mo siya sa bahay namin na kunin ang mga gamit niya dahil may pasok siya. Alam namin kung gaano niya kagusto mag-aral talaga."

"Sige po, isasama narin namin si Papa. Para may gagabay samin doon."

"Salamat talaga, Dyke.. pero okay lang ba talaga na diyan siya muna? Pwede namang kumuha rin siya ng apartment."

Ayaw ko po!

"Okay lang po at isa pa safe naman siya dito, Tito. Ayaw ko namang titira siya ng mag-isa baka mapahamak na naman."

Hindi naging madali ang pagpunta namin don sa bahay ni Eli. Maganda ang bahay nila at malaki. Bahay niya ito pero siya ang aalis, mapaglaro talaga minsan ang buhay. Dadating din ang araw na babalik siya dito at napalayas na ang mga taong nagdulot sa kanya ng takot at sama ng loob.

"Elisha, boyfriend mo ba 'yan?" Tanong ng kaniyang tiyuhin niya. Mukha naman siyang maayos pero sa likod pala ng maayos niyang mukha ay may tinatago pala siyang kahayupan, mapagpanggap na tao.

Nanginginig ang kamay ni Eli habang iniimpake niya iyong mga gamit niya.
Ang dami niyang karanasan dito kaya naiintindihan ko ang trauma niya.

"Ako na, Eli." She nervously seated on her bed and I quietly securing her things baka may maiwan pa. While, Papa is outside of her room.

"Elisha ano?!" Inis na sambit ng tiyuhin niya. Napaigting ang panga ko dahil sa galit. Ang pangit ng ugali.

"Boyfriend niya po ako." Sabi ko na lang para tapos na ang usapan.

"Siguradong ikakama ka lang niyan-"
Sobrang pangit ng tabas ng dila niya.

Marahan kong hinila si Eli at itinago sa likod ko dahil nanginginig na siya sa takot. Takot rin siya sa boses ng lalaking ito.

"I didn't even think of that. In case you don't know, there is a great distinction between love and lust, Sir. Huwag po kayong magsalita ng ganyan kasi hindi maganda sa pandinig, hindi maka-tao. Advice ko lang po, sana matuto kang rumespeto sa kababaehan. You're too old to act like a fuckin' teenage fuckboy. Huwag ugaliin ang ganiyan, uso po bagong buhay ngayon."

Pangit na nga, manyakis pa at masama ang ugali.

Lumabas na kami nang matapos na kaming mag-impake. May dala rin kaming maghahakot kaya nakalabas kami agad sa bahay na iyon.

AWAITWhere stories live. Discover now