AWAIT 3

68 20 17
                                    

Dahil likas na matulungin ako ay nilapitan ko naman at ako na ang kumuha para sa kaniya. Kahit sa ganitong paraan lang ay may matulungan ako. Matangkad naman ako kaya madali lang.

"Here," pagkasabi ko ay agad naman akong napatingin sa aking hita nang may kumalabit sa pantalon ko. Awtimatikong napangiti ako nang makita ko ang batang babae na nakatingala sa amin ni Tam.

"Hi, baby girl." I smiled at her. Katulad ni Tam ay matambok din ang kaniyang pisngi at namumula-mula.

"Tam, mag-hi ka sa kaniya," tudyo ko kay Tam nang makitang nakatitig siya sa batang babae at ang namumulang pisngi ni Tam ay nadagdagan pa lalo.  Babaero pa yata ah.

"Hi," he greeted shyly at yumakap na agad sa leeg ko. May pinagmanahan ang batang Tam. Mana sa akin.

Mahina akong natawa sabay lingon sa babaeng nasa tabi ko, nakalimutan ko pala ang babaeng kasama ng bata.
Hindi naman ako makakalimuting tao pero..

She's wearing a beautiful floral dress na talagang bagay na bagay sa kanya.

Ang nag-iisang hindi ko makalimutan sa balat ng lupa.

Ang ngiti ko kanina dahil sa pagkahumaling ko sa mga bata ay unting-unti nawala. Napalitan ng kaba sa dibdib, gulat, at excitement.

Siya na ba talaga 'to?

Possible pala na makikilala mo pa ang isang tao na isang beses mo lang nakita. Ako ang natatangi at buhay na ebidensiya.

Wala na, hindi na ako makagalaw kasi hanggang ngayon puso ko ay ikaw parin ang tanging isinisigaw.

Hayop, spoken poetry.


"Hi."

Siya ang unang nagsalita. Okay, nanginginig ako sa boses niya na magaan pakinggan.

Hindi ko alam kung magsisigaw ba ako sa sobrang tuwa dahil ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na magkita kami ulit. At heto na nga, nasa harap ko na siya. Nagkaka-totoo na.

Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Lord, anong ginawa mo? Bakit parang naninisi pa ako?

Bakit mo hinarap sa akin ngayon? Walang sign at clue kanina, grabe naman. Thank you, the best ka palagi!

"What's your name?" Boang. Hindi man lang nag-hello.
Parang atat tuloy, pero totoo naman.
Gusto ko lang agad malaman ang pangalan niya baka bigla na lang siya mawala. Just in case, hindi ko na ulit makita kaya dapat lang na malaman ko na ngayon.

"Elisha Castelo," parang mahihimatay ako sa kaba at tuwa. Sa wakas, may pangalan narin siya sa memorya ko. May mukhang hindi malimot-limutan at may pangalan na nga ngayon.

"I'm Dyke Guzman."

Mabuti naman at hindi nanginig ang aking boses. Hindi niya nahalata na sobrang kabado ako ngayon at sobrang natutuwa ako na makita siya ulit.

"Anak mo?" Tanong niya na ikinasinghap ko. Grabe naman. Hindi nga ako nagka-girlfriend dahil kakaisip sa'yo!

"Nephew, anak ng pinsan ko."

I don't know parang matutulala na lang ako sa ganda niya. Gone her long black hair, nasa balikat na lang 'yon at mas lalo rin siyang pumuti. Tumangkad siya na hanggang balikat ko.

"Ikaw, may anak ka na?" Walang hiyang sabi ko. Aba malay ko, gusto ko itanong dahil may kasama siyang cute na bata. Baka sa kanya na.

"Niece ko," ngumiti siya sa akin. Hindi ako ready don kaya muntik pa ako maubo dahil sa laway kong hindi ko maayos nailunok.

"Magkamukha kayo." Nakatitig lang ako sa mukha niya.

"Pinaglihi sa akin eh," mahina siyang natawa. Tapos ako naman, tulala na naman ulit. Magandang-maganda.

"Kuya, bili tayo inom mo," parang gusto kong ibulsa na lang muna ang batang kinakarga ko.

"Sige, bili na tayo ng chuckie. Uuwi na kayo?" Tanong ko sa kaniya dahil mukhang tapos narin sila sa pamimili.

"Oo."

Hindi ko alam, nalungkot na agad ako.

"Nice meeting you, Elisha." Tumitig ako sa kanya sa paraang hindi siya maiilang.

Nakatingin lang ako sa mukha niya at kinabisado 'yon, kailangan gawin dahil alam kong matagal na naman kami hindi magkikita.

"Ikinagagalak ko rin na makilala ka, Dyke." She smiled at me.

Sabay kaming tumalikod para umalis.

Mamimiss kita, Elisha.


Ano, after 6 years kaya ulit?

AWAITWhere stories live. Discover now