AWAIT 4

61 21 22
                                    

Napapakamot na lang akong napaupo sa dulo ng kama ko. Bakit hindi ko mahanap pangalan niya sa facebook at sa ibang social media platform?

Napapaisip tuloy ako baka hindi totoong pangalan ang ibinigay niya  sa'kin. Diba meron ganoon? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Mukha ba akong manyakis? Nakakasama naman ng loob.

I turned off my phone at nilunod na lang ang sarili ko sa pag-aaral. Araw-araw ko sinusubukan hanapin ang pangalan niya sa social media pero wala akong mahanap. Bigo ako palagi kapag sinusubukan ko.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng kuwarto ko at kumain ng almusal. Ang lungkot mag-isa, ang tahimik ng condo ko.. gustuhin ko mang bumalik sa bahay pero ayaw ko pa muna. Binibisita naman ako ni Mama at Papa at tsaka sinasanay ko kasi ang sarili ko na mag-isa at magdesisyon para sa sarili ko.
Graduating student na ako kaya dapat maging matibay loob ko. Hindi na ako bata..parang gusto ko narin gumawa ng bata—ay wrong move. Hintayin ko pa si Elisha.

Isang taon na ako nababaliw kay Elisha Castelo. May limang taon pa..

Limang taon pa ba talaga ang hihintayin ko?

Bakit nga ba ako nababaliw don, eh marami namang babae sa mundo.

Inis akong naligo at lumabas ng condo unit ko at pumunta sa store na malapit. I need my daily dose of chuckie, pampakalma lang.

Halos lahat ng tao may problema, paiba-iba. Merong mabigat, magaan, magulo, nakakapagod, parang walang solusyon, sunod-sunod na problema at animo'y walang katapusan. Ano nga ba dapat ang ating isipin kapag tayo'y nagkaka-problema?

Simple lang, ito ay ang solusyon. Paalala lang na tao lang tayo at normal sa buhay natin na magka-problema, nasa sa atin narin iyon kung dadag-dagan ba o so-solusyunan. Normal lahat. Normal ang problema, normal mapagod, normal umiyak, masaktan at mabigo. Marami pang normal na minsan ay nakakalimutan natin. Hindi ibig sabihin na kapag naghihirap tayo ngayon ay habang buhay na iyon, na mamamatay na lang tayong hindi natutupad ang minimithi natin sa buhay. May pagkakaiba tayong lahat, naiiba ako, ikaw, at tayong lahat.
Hindi tayo parehas ng nararamdaman at pinagdadaanan sa buhay at kung ano man ang paraan niyo para maging masaya at magtagumpay, maaaring hindi naaayon ang inyong pamamaraang iyon sa nagkakaiba-iba nating buhay.

Ayoko na munang problemahin ang problemang pag-ibig na'to. Sa susunod na siguro.

Ito na muna ang desisyon ko sa aking problema, hayaan ang tadhana na siyang magtatagpo ng landas naming dalawa ulit.

Hindi kita kinakalimutan pero sa ngayon, ibang problema na muna ang aking uunahin.

AWAITWhere stories live. Discover now