AWAIT 9

46 16 13
                                    

Dati pinangarap ko lang na magkita kami. Ngayon, pansamantala na siyang tumutuloy sa apartment ko.
Kung dati pumasok sa isip ko ang ideya na ito na, na tumira siya dito siguro kukutusan ko ang sarili ko. Pero shit, ngayon, hindi parin kapani-kapaniwala.

Thinking about her makes me giddy all day! The last drop of the chuckie touch my tounge. I heard a sudden knock at my door. It's her.

Pagkabukas ko mukha niya agad ang aking tinitigan. By the way, she's holding her notes while looking at me too. Ang ganda. Ganito pala ang feeling kapag nakakatitig din siya sa'yo.

It's been months already and she's comfortable with me now. Uunahan ko na kayo, hindi masakit, ang turing niya sa akin ay isang Kuya lang talaga. We're both only child kaya nagkakasundo kami. Parehas namin gusto ng may kapatid pero hindi nabigyan.

"May ginagawa ka ba ngayon?" Napatingin siya sa kamay kung may hawak na empty chuckie container.

"Bakit may band aid iyang daliri mo?" Slowly, she's getting near me. Palihim akong kinabahan sa kaniyang paglapit.

Nakita pa niya ang sugat ko na napaso ng glue gun, hayop na Luke hindi nag-iingat may plano pa yatang kamay ko ang dikitan nang styro foam.

"Luke did this," pakiaway nga si Luke.


"Kailan lang 'yan?"

"Kanina lang, may group project kami." Nagkibit-balikat ako at naalala na may sadya nga pala siya sa akin.

"Wala akong ginagawa, may ipapatulong ka?"

"Nahihirapan ako sa isang subject ko baka pwedeng patulong?"
Kahit lahat ng subject mo, go na go ako.


"Ang dami mong naiinom na chuckie araw-araw ah?" Puna niya sa'kin. Nakatitig siya sa labi ko. Iyong straw kasi nakaipit sa labi ko.

Umiinom ako kapag galit, malungkot, bored o may iniisip ako. Basta marami pang dahilan kung bakit ako napaparami ng inom. My favorite addiction. At pati narin ikaw, Eli.

"Yeah, meron sa ref. Kuha ka lang kung gusto mo rin." Sumandal ako sa pintuan at mariin ko siyang tiningnan. Ang ganda ng pagkagawa ng magulang niya sa kaniya. Hindi ka magsasawang tingnan siya at purihin. Pinakamaganda sa paningin ko.

"May exam na kami sa susunod na araw, pwedeng mag review tayo? Please?"
I chuckled while looking at her beautiful face. Ang cute pa magpa-awa. Palagi kaming ganito, nag re-review at nag-aaral magluto. Minsan naman naglilinis ng condo at sabay pumuntang gym para mag-exercise. What more kung magiging asawa ko siya? Kapag ikinasal siya sa akin diba? Nangangarap na naman ako ng gising.

Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang nakapikit niyang mini-memorize ang mga maaaring lumabas sa exam nila.

Too good to be true. Ang perfect ng mukha, mabait pa.
Lalo akong napalapit sa kanya at hindi ko alam kung makakaahon pa ako.

"Hay, ang hirap naman nito." Himutok niya sabay pukpok ng ballpen sa kaniyang ulo. Natawa ako at marahang ibinaba ang kamay niya para matigil ang pamumukpok niya sa kaniyang ulo.

"Buti ka pa graduate ka na ilang months na lang!" Inis niyang sambit habang ako ay nakikinig at nakatitig lang sa kaniya. Gigil mag-rant, sige lang, makikinig ako.

"Tamad mag-aral sumbong kita kay Tito." Sambit ko dahilan para umirap siya.

"Baka ikaw tamad!" She made a face at nag-memorize na ulit. Natawa ako at natatawa pa lalo dahil sa mga pasulyap-sulyap na masasamang titig niya sa akin.

"Puro ka naman tawa diyan."

"Sa'yo lang ako tuwang-tuwa." Seryosong sabi ko. Nakatingin lang siya sa'kin at nalito ako nang bigla siyang namula at umiwas ng tingin sa'kin. Mukhang kabado pa.

"Kuhanan lang kita ng chuckie.. w-wait lang ha." Nagmamadali siyang umalis dahilan para malito ako lalo  kaya naman tumayo narin ako at sinundan siya. Papaliko na sana ako nang makita ko siyang nakahilig sa dingding at nasa dibdib pa niya ang dalawa niyang kamay.

"Okay ka lang ba?" Nagulat pa siya yata sa agarang pagsalita ko.

"Bakit ka ba nangugulat?"

"Hindi naman kita ginulat." I chuckled and pinched her cheek. So lovely. She's comfortable with me at natutuwa ako sa improvement na meron kami.

"Pero nagulat parin ako!"

"Sorry na." I like her scent by the way.

"Keep reviewing but don't forget to rest. You need to relax your brain and your body." I said softly.
Her cheeks started to turn red again.

"Thank you.."

"No problem. Call me when you need anything, sa kuwarto lang ako."
Tapos na kami sigurong mag-review. At gusto ko narin humiga, tinatawag na ako ng higaan ko eh.

Tumalikod na ako pero naka-tatlong hakbang pa lang ako nang maramdaman kong may humila sa laylayan ng shirt ko. Napangiti ako nang may inabot siyang chuckie sa akin.

"Salamat, Eli." What if I'll hold her hand and pull her with me?

Naguluhan pa lalo ako nang bigla na lang siya tumakbo papasok sa kuwarto niya nang matapos niyang iabot sa'kin 'yon.

Adorable, Elisha.

AWAITWhere stories live. Discover now