AWAIT 7

42 17 15
                                    

I'm sleepy but I couldn't sleep. Ano ba talaga, inaantok na hindi parin makatulog. Gusto kong managinip kagabi, pero hindi naman ako nanaginip ulit. Hanggang sa hindi na nga ako makatulog dahil excited akong madugtungan 'yon at baka may bagong episode na naman.

Nagkita na sana kami e, panaginip na nga lang naputol pa.

Dahil ilang araw na ako madaming iniisip at paubos na ang chuckie ko ay bibili na ulit ako sa store.

Mamaya pa ako uuwi kaya uupo muna ako dito at mag-review ng notes sa cellphone, walang customer ngayon, ako na lang ang natira dahil kakalabas lang ng mga naunang customers. Wala pang bagong dumating.

Walang kupas ang store na ito dahil malawak, classic at safe pa. Ang pinakamaganda dito ay sa loob nito may mini-grocery, pastries, drinks, sweets, and mini-library. Pasok na pasok sa taste ng mga customers.

"What the heck?" Gulat na sambit ko nang may naka-cap na babaeng tumabi sa akin. Gulat talaga ako dahil yumakap pa sa braso ko. Nakakakabang buhay naman 'to!

"Sorry sorry let me h-hide.."

She's shaking. Ang boses at ang kaniyang katawan ay nanginginig sa hindi ko alam na dahilan.

"Who's after you?"

"P-pamilya ko."

"I don't know the reason why you're hiding, but if you want to hide without them seeing you here, please stay calm. It will help you."

Magsasalita na sana siya nang may pumasok at agad siyang napaigtad sa kaba. Tatayo na sana siya para tumakbo ulit pero nahawakan ko ang kamay niya para hindi siya mahuli. Stay calm nga e, tatakbo pa.

Bahagya ko siyang niyakap at itinago. Naaamoy ko ang bango ng kaniyang buhok.

"They will not recognize you, relax, you're safe here."

Napatingin lang sa banda namin ang naghahanap at lumabas na. Akala siguro girlfriend ko na nagpapalambing.
Ilang minuto pa ang pagtatago niya sa akin nang mahimasmasan siya ay napaayos siya ng upo at nilingon ako. Parehas kaming nagulat nang makita makita namin ang isa't isa.

What the heck?

Sabog ang buhok niya at namamaga ang mata sa kakaiyak pero nakikilala ko pa siya.

Si Elisha.

"You?"

You? Oo, ako nga. Ano na?

"Do you remember me?" Naaalala pa kaya ako nito.

"Your first letter of your name is D, right? "

H for husband material, po.

Dati ka bang adik, Dyke?

"Yes, D."

"Dyke?"

Wala na, hindi na ako nagtatampo. Naalala pa e, hays wala na kinilig na ako.

"Thanks for remembering my name. It means a lot. By the way, how are you feeling now?"

"Thank you for your help, it means a lot, too. Thank you, dahil ikaw ang tumulong sa akin ngayong gabi. Thank you dahil naaalala mo pa pala ako. "

Matagal na po kitang hindi makalimutan, baka mawindang ka kapag malaman mo. Thank you dahil nagkita tayo ulit. Masayang-masaya ako na nandito ka sa harapan ko.

"Rest for now, we'll talk tomorrow if it's okay with you. I'm free to listen. "

Hindi parin ako makapaniwala. Nanaginip lang ako tungkol sa kanya. At ngayon, parang nagkatotoo talaga, sa panaginip ko may humahabol sa kaniya at sa akin siya lumapit. Coincidence or Destined?

"Hinding-hindi na ako babalik sa bahay.. "

"Hindi ako safe don at hindi ko na matiis ang kanilang ginagawa sa akin, tao lang naman ako ah, katulad din nila ako.. nasasaktan, nakakaramdam ng takot at may karapatan. Bakit ikaw, hindi kita ka-pamilya.. bakit ikaw handang tumulong sa akin.. mabuting tao. Bakit ang  kadugo ko hindi? Bakit kung sino pa ang hindi ka-dugo sila pa yong nagmamalasakit at nakaka-intindi. "

"Tumakas ako dahil sa manyakis kung tiyuhin, at mapag-api na tiyahin.. "

Nakikinig lang ako pero naaabsorb lahat ng utak at dibdib ko. Hindi ko kaya marinig ang kaniyang trauma. Parang may kumukurot sa puso ko.

"Ayoko na talaga don.. "

"You don't have to go back, live your life without them. From now on, kahit mahirap, push them out of your mind and you'll realize na magaan na ang dibdib mo. Slowly and eventually. You can do it. "

"I'm here, I'll help you." Harap-harapan ko na siyang nakakausap, malapit sa akin, at totoo.

"Thank you for being strong, Elisha. Hindi mo ako kilala ng lubos pero maaasahan mo ako, pangako. "

"Thank you for saving me," she is soft and fragile that I badly want to keep her in my arms. Kung pwede lang.

"My parents are in Thailand, may negosyo sila doon, laging busy. My Mother is Thai and my father is full-blooded Filipino. Ipinanganak ako dito, at dito narin lumaki."

She got the prettiest smile. Kahit malungkot nakuha pang ngumiti sa akin. Sobrang ganda ng pagkatao niya at hindi ko masisisi ang sarili ko kung ganito ako kaulol sa kaniya.

"You know, I still remember our first meet sa mall, 'yon kasi ang unang beses na nakatagpo ako ng lalaking walang masamang iniisip sa'kin at hindi bastos."

Pumapalakpak talaga tenga ko kapag naaalala niya ako. Hindi ko alam, basta, ang swerte ko na naaalala niya pa ako.

"Bakit ka ganyan?"
Nalito ako sa sinabi niya at nanlalaki agad ang mga mata ko. Ha?! Nahalata na ba niya ang nararamdaman ko para sa kaniya?

"Bakit ka gulat na gulat?" Nanlalaki rin ang mata niyang singkit.

"Gagi, bakit mo alam?" Nakaturo pa ang kamay ko sa kaniya pero agad ko ding ibinaba.

"Ang alin?" She said confused.
Ah, putcha hindi niya alam? Nakahinga ako nang maayos.

"Na ang ganda mo.."

"Thank you.." she blushed. Akala ko bistado na ako, hay.

AWAITWhere stories live. Discover now