Chapter 21- URA URA URAAA

278 15 4
                                    

Nami's POV

Pumasok ako sa loob ng bahay na nakatulala lamang at tila nawawala sa sarili, hindi kasi maproseso ng utak ko ang mga nangyari.

Lakas din ng amats eh!

Ano daw?

Happy pill?!

Nababaliw na sya, ano bang trip nya?!

Wala sa sarili akong nagpainit ng tubig para makapagluto ng noodles.

Umupo ako sa lamesa habang nakatitig sa plastic bag na iniabot sakin ni Kaede.

Ano bang laman nito?

Kinakabahan ako potek.

"Ano ka ba naman Nami, plastic bag lang yan natatakot ka!"

Napapailing na sabi ko.

Kaya naman kinuha ko ang plastic bag at binuksan ito.

*dug dug*

Why?

Bakit kailangan mo akong bigyan ng gamot at napakadaming vitamins?

Tinitigan ko ang mga gamot na yun habang nasa isip ko ang malungkot nyang mga mata kanina.

Teka, bakit ba malungkot ka? Kasama mo na yung babaeng gusto mo kanina kaya dapat masaya ka.

"HOY NAMI MITSUI! KUMUKULO NA YUNG TUBIG ANO KA BA!", sigaw ni Kuya na nagpagulat sa akin.

Kaya naman dali dali akong tumayo at pinatay ang kalan.

"BAKIT BA KAILANGANG SUMIGAW KA PA HISASHING?", sigaw ko dito pabalik dahil nagulat talaga ako.

"ABA, MAIIGA NA YUNG TUBIG EH! ANO BANG NILULUTO MO? TUBIG NA IIGAHIN MO LANG?", sigaw ulit nito sakin.

"BADTRIP KA KUYA! IPAGLUTO MO AKONG NOODLES, PAALIS ALIS KA KAYA LUMABAS PA AKO PARA BUMILI NG MAKAKAIN, NILALAMIG TULOY ULIT AKO. NAKATULALA AKO DAHIL MASAKIT ULO KO! KAYA IKAW MAGLUTO DYAN BADTRIP KAAA!", malakas na sigaw ko at pumasok na agad ng kwarto.

Badtrip!

Nakakainis ka naman Nami eh, isip ka kasi ng isip.

Okay, self it's time to meditate.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Malakas lang talaga trip nung si Rukawa kaya wag kang magpapadala okay?

Exhale.

Inhale.

Kapag nakita mo sya iwasan mo nalang okay?

Exhale.

Inhale.

Kalimutan mo nalang lahat ng nangyari at ginawa nya okay?

Exhale

Inhale

Isipin mo nalang na hindi mo sya kakilala, na hindi mo sya nakilala.

Exhale.

"I need to fix this before I fall so hard, I need to make it stop."

I smile bitterly.

Ayokong umasa dahil ayoko na ulit maranasan ang masaktan.

I must protect myself first sa kahit anong klase ng sakit, either physically, mentally or emotionally.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now