Chapter 7 - Sacrifice

339 15 1
                                    

"Maupo ka Nami", seryosong sabi ni Kuya pagdating namin sa bahay.

Poteeek seryoso si Kuya huhu, ayoko pag ganito sya.

Hindi na ako mapakali kaya umupo agad ako habang kinukutkot ang kuko sa daliri ko.

Tsk nice mannerism Nami!

Yumuko ako dahil hindi ko kayang tignan si Kuya, parang anytime sasabog sya eh.

"Nami", seryosong tawag ni Kuya sa pangalan ko.

Nilingon ko naman sya at hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nya.

"K-kuya bakit ba masyado kang seryo-", hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinampas nya ang lamesa.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

Naiiyak na ako.

"BAKIT MO KINAUSAP SI COACH ANZAI HA NAMI?!", sigaw ni kuya.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong galit sya.

Galit na galit sya.

"S-sorry ku-", hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Napahagulhol ako at humarap sa kanya.

"B-BAKIT KO KINAUSAP SI COACH? HA P-PARA SAYO YUN KUYA! KASI AYOKONG, A-AYOKONG NAKIKITA KANG NAPAPARIWARA.", sigaw ko at nakita kong natigilan sya.

"ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT ANG PINAGDAANAN KO SA DALAWANG TAON NA PAGSASAYANG MO SA BUHAY MO?!", tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko habang sinasabi ang mga salitang yun.

"K-KUYA KINAUSAP KO SI COACH KASI MAHAL KITA AT HINDI KINAKAYA NG KONSENSYA KO NA WALANG GAWIN HABANG SINISIRA MO YUNG BUHAY MO.", sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya.

Bakit ba kasi sya nagagalit sakin?

"N-nami, wag kanang umiyak", biglang lumapit sakin si Kuya at niyakap ako.

"N-nahiya lang ako dahil sinasabi mo pala kay Coach ang mga", huminga ng malalim si kuya dahil napapansin kong parang naiiyak sya.

"Na sinasabi mo pala kay Coach ang mga kalokohan ko. Pasensya kana Nami", at patuloy akong inalo at pinatahan ni kuya.

Kumalas ako sa yakap at ngumiti sa kanya.

"Wala naman akong choice eh, kuya kita kaya hindi ko kayang makita na nasisira yung buhay mo. Kaya lahat gagawin ko para sayo, kasi ganon din yung ginagawa mo para sakin", ngumiti ako pagkasabi non pero may mga luha paring nakatakas sa mata ko at patuloy na tumulo.

Nakita ko ang pamumula ng mata ni kuya habang nakatitig sakin.

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Aish tama na ang drama Nami, tara na magluluto na ako para makakain at makapagpahinga na tayo.", sabi nya at dumiretsyo sa kusina.

Para akong nabunutan ng tinik non.

I know my brother's sacrifices.

That's why I stayed even oh his darkest and I won't regret anything on quitting basketball because it's for my Kuya Hisashi.

And he always taught me that "family should always come first".

I sacrificed basketball but I know it's all worth it.

---

J06M24S00A

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now