Chapter 8 - Strawberry

328 13 0
                                    

Nami's POV

Ilang linggo din ang lumipas at puro practice ang inatupag nila Kuya Hisashi.

Samantalang ako naman ay mas nag focus sa pag aaral.

Though paminsan minsan nalulungkot pa din ako dahil hindi ko maiwasan na hindi mamiss ang pagbabasketball.

Sabado ngayon at ang alam ko may practice ulit sila Kuya lalo na at nalalapit na ang first game nila.

Ako naman ay naiwan sa bahay dahil wala ako sa mood lumabas.

Bumaba ako sa kusina para tignan kung may strawberry yogurt at ice cream.

Nagcrave kasi ako kasi may period ako ngayon.

Pero bumagsak ang balikat ko nung makitang puro energy drink ang nandun.

"Aish, bakit wala man lang yogurt dito or ice cream? Nakakainis!", padabog kong sinara ang ref at nag ayos ng sarili para bumili ng makakain sa labas.

Naglakad ako hanggang sa makarating sa isang convenient store, malapit lang naman kaya nilakad ko nalang para makatipid na din.

Naghanap agad ako ng ice cream at yogurt na strawberry, bumili na din ako ng iba pang makakain, nahagip naman ng paningin ko ang mga sports drink.

Naisip ko agad si Kuya, pamihadong pagod na naman yun sa pag papractice.

Kukuha na dapat ako ng sports drink ng biglang may kumuha nito mula sa likudan ko.

Napalingon naman ako dahil sa gulat.

At natulala ako dahil hindi ko inaasahan na nasa harapan ko ang...

Playing coach ng Shoyo.

"Sorry Miss, nagulat ba kita? Uhaw na kasi talaga ako eh", nakangiting sabi nya.

Bigla naman syang napatitig sa akin, parang kinikilala ako kaya nagbaba ako ng tingin.

"Okay lang po", yun nalang ang nasabi ko at nag bow.

Potek, crush ko to eh.

"You look familiar", sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na tila nag iisip pa din.

"AHA! Ikaw yung freshmen na kasali basketball girls team namin but after tryout nagtransfer ka!", sabi nya habang nakatingin pa rin sakin.

"Ahh opo, ako nga yun", nag bow ulit ako pagkasabi non.

Nakakahiya naman kasi, nakakaintimidate yung presence nya.

"Cut the "opo thing" hindi pa ako sobrang tanda, by the way I'm Kenji Fujima", pagpapakilala nya at nilahad pa ang kanyang kamay.

"Nami Mitsui", maikling sagot ko at tinanggap ang kamay nya.

Napakunot naman ang noo nya nung narinig ang pangalan ko.

Tumalikod na ako at kumuha ng mga sports drinks at nilagay sa basket ko, dinamihan ko na para mabigyan ko din ang ibang players.

Paglingon ko ay nandun pa rin sya sa tayo nya. Tsk ano pa bang kelangan mo crush? Ako ba? Joke lang hehe

"Related ka ba kay Hisashi Mitsui?", tanong nya na nakakakunot ang noo.

"He's my brother", I answered.

Nakita kong nag form ng o ang bibig nya at tumango tango.

Nagpunta na ako sa counter para magbayad, habang sya ang nakasunod sakin.

Tsk iisipin ko talaga na crush nako neto eh! Chaaaar

Pagkatapos kong magbayad ay nagbow ako sa cashier at nagpasalamat.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now