Chapter 23- KEY PLAYERS

327 21 12
                                    


Captain Takenori Akagi POV

Pagkatapos naming maghiwahiwalay ng mga kagrupo ko kanina ay dumeretsyo agad ako sa bahay at naglinis ng katawan para makakain na ng hapunan.

"Pahingi pa nga ako ng isa", sabi ko kay Haruko matapos kong ubusin ang laman na kanin ng plato ko.

"Grabe ka naman Kuya ang lakas mong kumain ah, nakakailang tasa kana ba?", nagtatakang tanong sakin ng nakababata kong kapatid.

"Katatapos lang ng laro eh syempre gutom.", sagot ko at kumain naman ng iba pang pagkain na nasa lamesa.

"Sabi nila, ang gagaling nyo raw. Lagpas sa isang daan ang naging score ninyo.", masiglang sabi nito habang nagtatakal ng kanin sa plato ko.

"One hundred sixty (106), pero hindi pa din sapat yun.", sagot ko naman dito.

Iniabot nya sa akin ang plato at kinuha ko naman ito.

"Oh salamat."

"Kami ang magkakampyon ngayong taon na ito, sigurado ako.", patuloy ko pang sabi at kumain na muli.

"TALAGA! Mommy, bakit nga ba hindi kayo manuod ng laro nila at tsaka ikaw rin daddy, matutuwa kayo sigurado yun. Ang lalakas ng team ng Shohoku ngayon, sa susunod pupunta rin ako at manunuod susuportahan ko kayo pangako yun", masigla at mahabang lintanya ng kapatid kong si Haruko.

Lumingon naman ito sa akin at iniabot ko muli dito ang plato ko para bigyan muli ako ng kanin.

*ding dong*

Lahat kami ay napatingin sa pintuan.

"Aba gabi na ah.", nasambit ko habang nagtataka kung sino ang nagdoorbell na iyon.

"Baka naman ahente yan o kung sino Kuya paki naman oh.", malambing na pakiusap sa akin ni Haruko.

Kaya naman wala na akong nagawa at tumayo na.

"Hmm, palagi nalang ako.", bulong ko habang naglalakad.

"Maraming salamat ha, kuya!", masiglang tugon nito.

Bago naman ako magpatuloy ay lumingon ako sa kapatid ko na nagtatakal ng kanin.

"Haruko, damihan mo yan ah!"

At tuluyan na akong umalis at dumeretsyo sa pintuan namin.

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

"Andyan na.", sabi ko nubg malapit na ako sa pinto.

"HINDI AKO BIBILI."

Ito agad ang sinabi ko nung buksan ko ang aming pintuan.

"Hmm? Ng ano?", nagtatakang tanong nito.

Subalit laking gulat ko na si Hanamichi Sakuragi ang tumambad sa akin.

Ano namang ginagawa ng isang ito sa bahay ko?

"Ikaw pala, anong kailangan mo?!", matapang na tanong ko dito.

Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Shhhhh, baka marinig ka ni Haruko", pabulong na dabi nito sa akin.

"Ano? Ibig mong sabihin hindi ka pa umuuwi?", tanong ko dito.

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa, tsk mukhang alam ko na kung anong kailangan nito.

"Wala kaming pagkain.", seryosong sabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now