Chapter 13- First Game I

315 17 8
                                    

---
--Shohoku vs. Miuradai--
---

Nami's POV

"NAMI MITSUI! WAG NA WAG MONG KAKALIMUTANG UMINOM NG GAMOT!", sigaw ni Kuya Hisashi habang nag aayos ng gamit nya.

Ngayong araw ay ang unang laro ulit ni Kuya.

Gusto kong masaksihan ang unang laro nila kaso lang ay nilalagnat ako kaya hindi ako pinayagan ni Kuya Hisashi na manuod.

Kinakabahan ako para sa kanya.

Kung tutuusin mas excited pa ko kesa sa kanya kaya siguro ako nilagnat.

HAHAHAHAHAHAHA

Katulong pa ako ni Kuya sa pag aayos ng gamit nya, ayoko kasing may makalimutan sya.

"Mag iingat ka Kuya Hisashi!", sabi ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Goodluck kuya! Magpaulan ka ng tres ha?", malambing na sabi ko dito.

"Tsk, maliit na bagay.", mayabang na sabi nya.

Napangisi nalang ako at kumaway sa kanya.

Nung nakita kong nakalayo na si Kuya Hisashi ay nag ayos na ako ng gamit.

FIRST GAME ITO NI KUYA AT HINDING HINDI KO ITO PAPALAMPASIN!!!

KAHIT MAHIMATAY PA AKO MAMAYA SA PANUNUOD, MANUNUOD AKO!

BWAHAHAHAHAAHAHAAHHA

LAGNAT LANG TO! SI NAMI MITSUI AKO!!!

Dali dali akong nag ayos ng sarili at nilagay ang gamot ko sa aking sling bag.

Nagsuot ako ng jacket na may hood para hindi malamigan mamaya.

Nung maayos ko na ang aking gamit ay lumabas na ako ng gate.

Pero agad ko itong pinagsisihan dahil may nakita akong lalaking nakasakay sa pink na bike.

Agad akong bumalik sa loob at nagkunwaring may nakalimutan ako.

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi at ginawa ni Rukawa ng araw na yun.

Magdamag akong tulala, pati nung umaga ay hindi ako halos makakain.

Nag aalala na nga sakin si Kuya Hisashi akala ay kung anong nangyari sa akin.

Potek naman kasi si Archimedes!!!

Simula nung nangyari yun, palagi na akong nakakakita ng strawberry yogurt drink sa desk ko.

Hindi naman sa nag aasume ako pero pakiramdam ko ay galing yun kay Rukawa.

Pati pag nanunuod ako ng practice nila palagi ko syang nahuhuling nakatitig sa akin.

Sa totoo lang ay nakakailang na, pero hindi ako tumigil sa pagbibigay sa kanya ng notes sa tuwing tulog sya sa klase.

Hindi ko nalang sya tinatawag at tinitignan.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now