Chapter 11- 1v1

297 14 2
                                    


Nami's POV

"Uuwi muna ako Sakuragi, kukuha muna ako ng damit panlaro.", sabi ko kay Sakuragi na nagpapacute kay Haruko.

"ANO?! BAKA NAMAN MAGTAGAL KA GAGABIHIN TAYO, TATALUNIN LANG NAMAN KITA NAMIMI MAGPAPALIT KA PA NG DAMIT NYAHAHAHAAHAHAHA", natatawang sabi nya.

"Gunggong.", narinig kong bulong ng mga tao sa paligid.

Lumapit naman sakin si kuya Hisashi.

"Hindi mo na kailangan umuwi Nami,  nasa bag ko yung unang basketball uniform mo.", nakangiting sabi sakin ni Kuya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya.

Bakit nasa kanya?!

Ang tagal ko ng hinahanap yun ah.

Bakla ba sya?

KADIRI SI KU--

Pinitik bigla ni Kuya ang noo ko.

"Huwag kang mag isip ng kung ano ano Nami, nasa akin ang uniform mo na yun dahil...", yumuko si kuya at parang nahihirapan sa sasabihin.

"Dahil?", tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya bigla at nagbuntong hininga.

"Alam kong iisipin mong baduy ang Kuya mo, pero inspirasyon ko yung unang jersey mo na yun."

Napatulala ako kay Kuya.

"K-kuya.", naiiyak ako.

Si Kuya Hisashi ang nagturo sakin magbasketball, nagkakasundo kami lagi sa larangan na yun.

Suportadong suportado nya ako sa unang laro namin, nilibre nya pa nga ako ng ramen pagkatapos naming manalo sa laro.

"Sige na magpalit kana para makapag warm up kana din.", sabi nito sa akin habang nakangiti.

Tinalikudan ko na si Kuya Hisashi para kuhanin ang uniform ko.

Pero may naalala ako, kaya naman nakakaloko akong humarap sa kanya.

"Anyways Kuya Hisashing hindi ka baduy, nasa akin yung last jersey mo nung Junior High, lagi ko ding dala yun dati kapag may practice at laro ako.", nagmamadali kong sabi sabay kindat sa kanya.

Tumakbo ako habang natatawa dahil nakatulala si Kuya.

Hahahaha totoo naman kasi yun, inspirasyon ko si Kuya sa paglalaro ko.

Sa tuwing nakikita ko yung uniform ni Kuya lumalakas ang loob ko at nagfofocus ako sa laro.

Lucky charm ko yun eh!!!

---

Dali dali akong pumasok sa banyo at nag ayos ng sarili.

Mabuti na lamang at tumigil na ang period ko kaya makakagalaw na ako ng maayos. Last day ko na naman ngayon kaya siguro tumigil na din.

Nakatitig ako ngayon sa sarili kong repleksyon na nakasuot na ng aking lumang basketball uniform.

Pinuyod ko ang buhok ko ng maayos.

Muli kong tinitigan ang sarili ko.

"Buti nagkasya pa sakin to haha.", bulong ko sa aking sarili.

Hinaplos ko naman ang kauna unahan kong Jersey.

TAEZUKO
11


Yan ang nakatatak sa uniform ko, at oo 11 ang number ng jersey ko dahil yun ang paborito kong numero.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum