Chapter 6 - Archimedes

391 19 1
                                    

Nami's POV

Lahat sila ay nakikinig sa kwento ko kaya nakatingin silang mabuti sakin, medyo nakakailang nga eh tsk.

"Si Gori pala ang dahilan kaya hindi nakapaglaro si Bungal dati, haaay may kasamaan din talagang taglay tong si Gori NYAHAHAHAHAHAHA", sabi ni Sakuragi na ikinausok ng ilong ni Captain Taki.

"TUMAHIMIK KA DYAN!", sigaw ni Captain Taki sabay suntok sa ulo ni Sakuragi.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA", sabay sabay naming tawa dahil sa kanila.

Nagulat ako nung biglang lumapit sakin si Kuya Hisashi at biglang bumulong.

"Mag uusap tayo sa bahay Nami", pabulong yun ngunit may diin.

Napalunok naman ako, huhu ano ba ginawa ko Kuya? Huhu

Nawala naman ang pag iisip ko nung bigla lumapit si Captain Taki kay Kuya.

"Humihingi ako ng pasensya sa nangyari sayo Mitsui", sabi ni Captain Taki na kinatahimik ng lahat.

Nilahad ni Captain Taki ang kamay nya at walang pag aalinlangan na tinanggap ni Kuya.

"Tutupadin natin ang pangarap nating makarating at manalo sa National Competition", sabi ni Kuya na nagpangiti sakin.

Actually naiiyak ako sa nakikita ko ngayon hahahahaha.

Eh kasi naman, ang tagal kong pinilit yang si Kuya Hisashi na bumalik sa pagbabasketball.

Sobrang nadudurog ang puso kapag nakikita kong may mga pasa at sugat sya, napakasakit para sakin makita na nasisira yung buhay nya.

Pinunasan ko yung luhang tumulo sa mga mata ko.

Isa din naman to sa dahilan kaya pumayag akong dito na talaga pumasok, kasi gusto kong makita si Kuya na maayos ulit.

Isang malaking sakripisyo para sakin ang iwanan ang career ko sa basketball.

Pero mas malaki ang sakripisyo ni Kuya para sa akin, at mas mahal ko sya.

Mas mahalaga sya.

Nagpunas ulit ako ng luha at yumuko para walang makapansin.

Pero nakita kong may nakalahad ng panyo sa harapan ko.

"Ayokong nakikita kang umiiyak Nam-nam", napaangat ako ng ulo sa nagsalitang yun.

"N-nobu", sagot ko habang nakatitig sa kanya.

Iniwas ko na ang tingin ko dahil para akong napapaso sa mga titig nya.

Hindi ko na tinanggap yung panyo nya tsssk kakainis naman yun may ganon pang drama.

Tumalikod ako ngunit may nabunggo kong pader.

Teka bakit may pader?

Napahawak ako sa noo ko.

Napatingala naman ako at napagtantong sa dibdib ng isang gwapong nilalang tumama ang noo ko.

Nagtama ang paningin namin.

Kung kay Nobu para akong napapaso sa kanya naman wala akong makitang emosyon, ang cold ng mga mata nya.

"H-hi?", nag aalangang sabi ko sa kanya.

Hehe paano ba irereact ko sa isang to?

Parang alien lang eh hahahaha.

Hindi naman sya sumagot kaya nag aalangan akong ngumiti at aalis na sana nung biglang...

"Akala ko Archimedes pangalan mo.", napatulala ako sa sinabi nya.

Teka anong Archimedes? Bakit Archimedes? Anyare sa tao--

"HAHAHAHAHAAHHAAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHAHHAHA", napatawa ako sa sinabi nya. Akala nya siguro Archimedes name ko dahil binulong at sinulat ko yun kanina para turuan sya.

Nakatitig lang sya sakin habang ako ay natatawa pa rin sa kanya. 

"I'm not Archimedes, tinuruan kita ng sagot kaso di mo pala gets", natatawang paliwanag ko sa kanya.

Hindi na naman sya sumagot at umalis na sa harapan ko.

Problema non? Hahahahahaha

Hmm ano kaya magawang nickname sa isang to?

Kaede Rukawa hmm.

Karu?

Kawa?

Deru?

Kaekawa?

Ang papangit naman tsk.

Bagay sa kanya Archimedes eh.

HAHAHAHAAHAHAHAHAHHAA

Nagsimula na ulit ang practice nila at nanuod ako.

Namangha ako sa mga players ng Shohoku ngayon at masasabi kong may pag asa talaga sila.

Napatingin naman ako kay Kuya na hinihingal na.

Aish ayan kasi hindi na sanay katawan nya sa ganito kaya mabilis na talaga sya mapagod.

Kumuha naman ako ng tubig at bimpo nung nakita kong tapos na ang practice nila.

"Tumatanda kana bossing", nakangising sabi ko kay Kuya Hisashi sabay abot sa kanya ng tubig at bimpo.

"Tsk, manahimik ka nga dyan", naiinis na sagot nya.

"HAHAHAHAHA pag nga naman matanda na pikon na masyado haaays", pang aasar ko sa kanya.

Pagkatapos nilang magpahinga ay nilinis na ng mga first year ang gym at umuwi na kami sa bahay.

---

Hi guuuys!!! Thank you so much for reading my story. Suggest naman kayo ng magandang nickname for Kaede Rukawa💖
Sayonaraaaaaaaaaa~
-J06M24S00A

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora