Chapter 2- Found

551 19 4
                                    

Nami's PoV

Naglibot libot ako, tsk 8:10 na kaya nagtanong na ulit ako, ngayon naman eh sa isang magandang babae.

"Uhm, miss saan ang guidance office dito?", tanong ko dito, ngumiti sya kaya ngumiti din ako.

"Baguhan ka ba dito? Sasamahan nalang kita", sabi nito.

"Teka baka nakakaabala ako sayo ah, baka may klase ka", sambit ko.

"Nag excuse ako sa teacher ko na pupuntang C.R. kaya okay lang", ngumiti ako at sumunod nalang sa kanya.

Nung makarating kami sa pintuan ng Guidance Office ay nagpasalamat ako sa kanya.

"Salamat umm", ngumiti sya at inilahad ang kamay nya.

"Ako nga pala si Haruko Akagi", ngumiti ako ng pilit at nag isip kung saan ko narinig ang apelyidong Akagi.

Nung nakita kong nakatingin sya sa akin ay tinanggap ko ang kamay nya.

"I'm Nami Mit--", hindi pa ako natatapos ay may biglang tumawag kay Haruko kaya tumakbo na sya palayo

Tsk baka hinahanap na sya ng teacher nya.

Pumasok na ako sa Guidance Office at bumungad sakin ang isang babaeng teacher na may katandaan na at nakasalamin, nakakunot ang noo nito at halatang mainit ang ulo.

"Uhm good morning po, ako nga po pala si Nami Mit--", hindi ko pa ulit natatapos ang sinasabi ko ay nabulyawan na ako nito.

"YOU'RE LATE", yumuko nalang ako at humingi ng pasensya naglakad na naman sya kaya sumunod na lang ako.

Huminto kami sa isang classroom, "1-10", yan ang nakalagay sa itaas ng pinto nito, mukhang ito na ang section ko.

Kumatok muna ito bago pumasok sa room, may teacher na lumapit sa amin.

"Eto na yung transferee, iiwan ko na sya sayo", at tumalikod na yung matandang babae.

Ngumiti naman yung matandang lalakeng teacher na to mukhang may gusto kay matandang babae na guidance counselor.

"Sige Ma'am ako na bahala sa kanya", kumaway pa ito at nagpacute nung bumaling sya sa akin ay nakakunot na ang noo nya.

Humarap sya sa buong klase kaya napaharap din ako sa kanila at owshet lahat sila nakatingin sakin, napayuko ako sa hiya.

"Class may bago kayong classmate, mula sya sa Shoyo High School, ikaw na ang magpakilala sa sarili mo", sabi nito kaya naman nag bow muna ako.

"Magandang araw sa inyong lahat, ako nga pala si Nami Mitsui, ikinagagalak ko kayong makilala", pagkasabi ko non ay may nakita akong nagbulung bulungan.

"Humanap kana ng mauupuan mo at makinig ka sa klase ko", sabi ng teacher kaya nagbow ako sa kanya.

The Game of Life (Slamdunk Fan-Fiction)Where stories live. Discover now